Chapter 26

1.1K 36 4
                                    

Finals week. I was determined to pull my grades to the top, so I tripled my efforts in studying. Kaya right after our thesis defend, halos wala na akong kinakausap at nagbabasa lang. Magkasama pa rin naman kami ni Gideon, pero may kanya kanya naman kaming mga mundo habang nag-aaral.

Right now, I am in my room re-reading all my readings for tomorrow's subjects. Tapos na ako sa first wave, which is kahapon at kaninang umaga. The rest of my exams the next three days are in the afternoon. Inayos nila ang schedules kaya mas maluwang ngayon kaysa noong midterms. Sa saturday, start of sorting requirements for clearances. Pero mamaya ko na iisipin iyon. I need to stay focused. Grabe parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng inaaral ko.

Kapit lang, Nia. You'll get this over with.

Bumuntong-hininga ako at uminom sa kapeng nasa bedside table. 

Simula weekend ito na ang naging panghimagas ko. Nakaka-break lang ako sa kape kapag magkasama kami ni Gideon kasi laging chocolate drink ang in-order niya para sa akin.

I sighed and scribble through my notes again. Pinasadahn ko iyon ng ilang beses bago siniklop. Itinabi ko muna iyon at kinuha naman ang panibagong set ng reviewers ko.

Inaayos ko ang mga iyon nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa tabi.

Gideon Legaspi is calling…

Ano na naman kayang kailangan ng isang ito? Taas kilay kong pinindot ang accept. 

"Oh?"

"Tss. Sungit talaga!" Humalakhak siya. I rolled my eyes.

"Ano ngang kailangan mo?" tanong ko. 

"Wala. Just checking on you, A."

"Tss. Tigilan mo ako sa pa-one letter mo," balik ko sa kanya. 

Itinabi ko muna ang mga reviewers ko bago sumandal sa headboard. Kinuha ko ang aking malaking unan at niyakap iyon. Sinaksak ako ang airpods ko sa aking tenga. I placed the phone beside me and hugged the pillow tightly.

"Ikaw kaya ang nagpasimuno niyan. You called me G, first. Remember?" He laughed again. Umirap ako. 

Hindi ko na matandaan iyang pinagsasabi niya kaya di ko sure kung totoo o imbento. Tss.

"You're disturbing me, you know. Nag-aaral ako."

"Grabe. Di ka pa ba tapos mag-aral?"

"Di ka ba nag-aaral?" I shut back. 

"Tapos na. Wala na akong balak review-hin ulit iyon."

"Edi ikaw na magaling." Umirap ulit ako.

"Ayan ka na naman. Weekend ka pa nag-aaral. You deserve a break you know. Kung nakakapagsalita lang iyang utak mo baka sinigawan ka na niyan sa sobrang pagod. Chill out, A!" Humalakhak na naman ang loko.

I groaned. Masayang masaya naman siya sa kabila.

And with that, my plan to review the whole night was ruined because this Gideon didn't end the call. Mas kinulit pa ako at nakipag-facetime pa. Hindi ko na tuloy namalayan ang oras. Leche. 

Hindi ko na lang pinilit pa at natulog na lang ako pagkatapos ng dinner namin. May time pa naman ako bukas. Tsaka kakalbuhin ko si Gideon pag ako hindi nakapag-review nang maaga bukas. 

Kinabukasan, alas siyete pa lang nagpasundo na ako kay Gideon. Nagreklamo ang loko pero wala rin namang nagawa.

"Una na po ako, ma," paalam ko kina mama at papa. Mas mauuna pa akong umalis sa kanila.

"Ang aga mo yata anak? Akala ko hapon pa exams mo?" Si mama. Nagkibit-balikat lang ako.

"Mag-rereview pa po ako," sabi ko na lang at humalik sa kanila ni papa.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon