Chapter 14

1.1K 33 0
                                    

I muttered a curse when I woke up with a throbbing head. Nasapo ko ang aking noo at dahan dahang umupo ng kama. Fuck. Gaano ba ako nalasing kagabi?!

I groaned in frustration. Umayos ako ng upi at itinuwid ang aking mga paa pero agad din akong natigilan nang may naramdaman akong parang isa pang paa sa tabi ko.

Umawang ang aking bibig at agad na napatingin sa aking tabi.

"Oh my gosh!" Agad kong naitakip ang aking kamay sa aking bibig.

Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang napaatras. 

"What the hell are you doing here?!" 

Haloa pumutok na ang mga ugat ko sa leeg. Bakit hindi?! Katabi ko sa isang kama si Gideon and what is worse is that naka-topless lang siya! Oh my fucking gosh!

"Good morning." Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata at bahagyang sumandal sa headboard. 

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. 

"Anong ginawaga mo rito?!" Agad siyang lumingon sa akin at kinunutan ako ng noo. 

Pinanlakihan ko siya ng mata at agad na hinarang ang isang unan sa pagitan namin. 

"Anong nangyari?!" bulyaw ko sa kanya. Bored niya lang akong tiningnan at prente pa ring nakasandal sa head board. 

Oh my gosh?!

"Chill, walang nangyari, okay? Natulog lang tayo," patay malisya niyang sabi.

I couldn't take my glance off him. Tiningnan ko ang paligid. Nasa kwarto naman ako at mukhang wala namang nagalaw. Binalingan ko naman ang aking sarili at nakadamit pa rin naman ako. 

Fuck. 

Ano ba kasing pumasok sa kokote mo, Airenia at naglasing ka?! 

Binalingan ko ulit si Gideon na nakatingin lang pala sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Bumuntong-hininga naman siya at umalis ng kama. Kumunot ang noo ko nang makita siyang pumunta sa may CR. 

Napamura pa ako nang kumirot na naman ang aking ulo. Shit. I hate hangovers!

Pinilit ko ang aking sarili na bumangon kahit na tumitibok sa kirot ang aking ulo. Gosh. I swear not to fucking drink again!

Umupo ako sa gilid ng kama at tatayo na sana nang bumalik naman sa akin si Gideon at may dalang isang medicine box. 

Tiningala ko siya at kinunutan ng noo. Inabot niya lang iyon sa akin.

"Nothing happened, but you were so drunk that I needed to be with you. Baka kung ano na namang gawin mo." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

Bigla akong kinabahan. "Bakit? Anong ginawa ko?"

Bigla siyang ngumisi at umiling. "Inumin mk muna to at nang mawala na yang hangover mo." 

"Ano ngang ginawa ko?!" pilit ko sa kanya. I just have this gut feel na may ginawa akong kalokohan kagabi ay base sa ngisi niya mukhang meron nga! Shit!

"Wala nga. Kulit. O, inom na." I glared at him.

"Ano nga kasi!" inis na sabi ko. 

I saw him heaved a sigh. Then he sat beside me. Agad naman akong umusog. Tiningnan niya ako. He pressed his lips.

"Wala kang ginawa. Pero...may sinabi ka." 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh. I gulped.

"A-Anong sinabi ko?" 

"Iyong nasa loob mo. Ano, magaan na ba?" 

Hindi ako nagsalita. Agad akong nag-iwas ng tingin. And then all of a sudden, bumalik sa akin lahat ng nangyari kagabi. As in lahat. Mula sa inuman hanggang sa nalasing ako at ...shit. 

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon