Chapter 22

1.1K 43 8
                                    

Midterms week. Lahat kami ay sobrang busy. Hindi ko na pinansin ang mga intriga at mga makahulugang tingin ng mga tao. After all, wala namang magagawa ang mga yan. Hanggang diyan lang naman sila. The best way to kill an issue is not to pay attention to it. Bahala silang magchismisan. Wala naman din akong mapapala sa kanila.

"Tangina, ang sakit ng ulo ko! Saan ba kinuha ni prof iyong mga tanong? Fuck. Parang mabibiyak ulo ko." Napairap na lang ako sa sinabi ni Toffer. Gideon just shook his head

Katatapos lang ng isang test namin. Since the start of the midterm week ay silang dalawa na ang kasama ko. Hindi ko rin alam kung bakit parang asong buntot nang buntot tong si Toffer sa amin. I had to stick with Gideon dahil bukod sa review buddy nga kami, nagi-guilty pa rin ako sa nangyaro sa kanya.

Siguro okay na ring tatlo kami at nang hindi na mas lumala pa ang mga issue. Bumuntong-hininga ako.

"Lunch muna tayo? Wala yatang sched sina Airen," I said. Nag-stretch si Toffer at humikab.

"Yeah. Tara na!" Nauna pa siyang tumayo sa amin. Napailing na lang kami ni Gideon.

"Let's go." Nginitian ko si Gideon at tinanggap ang kamay niya. Nakita ko ang pagtaas ng leeg ni Toffer. Pinanlakihan ko siya ng mata. Umirap naman ang loko.

Tss.

Sa kotse kami ni Gideon sumakay. Tinatamad si Toffer kaya iniwan na lang niya ang sasakyan niya sa campus. Well palagi namang ganito. Hindi ko alam kung tinatamad talaga siya o reason niya lang iyon.

We settled in the Filipino Cuisine Restaurant that we have been in lately. May exam pa kami mamaya kaya kailangan naming kumain talaga.

Basically ganoon lang naman ang naging routine namin. We have two exams per day except today na tatlo. We would often go out and review kapag free time. Then balik ulit sa school. It's just like a cycle.

Bumuntong-hininga ako at napasalampak sa couch ng student's lounge. Nasapo ko ang aking noo.

"Tss. What's with the face?" Dinig kong tanong ni Gideon. Huminga ulit ako nang malalim.

"I think I flunked LegMa."

Naisip ko na naman ang Legma Test namin kahapon.

"You're over thinking again, Nia." I sighed.

"I just know, G."

"Tss. Come on." Napatingin ako sa kanya. Tinapik niya lang ang balikat ko. Napabuga ako ng hining at napasandal sa likod ng upuan. I felt him shook his head and placed my head on his shoulder.

"Ehem." Agad akong napatingin kay Toffer na nasa tapat namin.

"Gutom ka na naman?" tanong ko. Inirapan ako ng loko.

"Actually oo." Hinimas himas pa niya ang kanyang tiyan.

Napairap ako at umayos ng upo.

"Tara na, kain na lang tayo," sabi ko. Mabilis na tumayo rin si Toffer at umakbay sa akin.

"Mall naman tayo! Gusto ko mag pizza, Nia!" hirit niya pa. Umirap ako at tumango.

Napasuntok pa sa itaas ang magaling kong kaibigan.

"Tara na," sabi ko na lang.

"Same old, same old, ha," dagdag pa ni Toffer habang naglalakad kami palabas ng lounge

Napailing na lang ako. We were walking side by side. Nasa gitna nila ako. As usual titig na titig na naman ang mga chismosa. Tss. Ngayon lang yata nakakita ng tatlong taong naglalakad.

Bumuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. We were nearing the entrance of the parking lot nang bahagya kaming napatigil.

Standing in front of us was Tyrone with his friends. Agad kong naramdaman ang paglapit nina Gideon at Toffer sa akin.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon