Chapter 3

1.5K 67 3
                                    

Wala ako sa mood kinabukasan. Our call time was around 8, but I arrived at the site quarter to 9 already.

I could feel everyone's stares when I arrived. Hindi ko alam kung nagsisimula na ba sila o ano.

"Sorry, I overslept," sabi ko na lang at lumapit kina Engineer Fuego.

"It's okay, Airenia, hindi pa rin naman kami nagsisimula. Gideon told us to wait for you." Agad akong napatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa akin. Inirapan ko lang siya at kinuha ang layout na inabot ni Architect.

"Let's start? We're already late," sabi ko na lang at nauna nang maglakad.

Ni-discuss ni Engineer Fuego iyong mga gagawin nila sa part ng reception. Kung saan ang mga villas, kung ilang metro ang layo ng isa't iaa at kung saan nila ilalagay ang malalaking infinity pools.

This is indeed a big project. Hindi ko alam kung ilang buwan ang aabutin. Dapat nga taon, pero pursigido sila ni papa na tapusin ito agad para makapagsimula na sila. This is a new venture and they're not just investing a lot of money, but also a lot of time. Kaya gusto rin nilang makapagpapasok na ng pera.

Limang firms yata ang kinontak nila para magtulong tulong sa project na ito. They labelled it urgent kaya priority ito ng limang firm na kinuha nila. Papa has connection, idagdag pa na sina Tito rin ay marami, it's not impossible to make this a reality with just months only. Hindi pa nga lang matukoy kung ilang buwan nga ba.

Basically, iyon lang naman ang naging ganap ng maghapon ko. After the tour, nag-lunch lang din kami sa hotel na tinutuluyan namin. Hindi ko pa rin pinapansin si Gideon. Hindi rin naman siya nangungulit so, I'm fine with it.

Pagkatapos ng lunch ay dumiretso na ako sa aking kwarto. I just prepared my things and got my reviewers. Habang naghihintay ng alas dos ay nag-advance reading na lang ako. I need to pull my grades up kung gusto ko talagang maging summa.

My things were on the lobby already. Doon na lang ako naghintay sa van namin. Ayokong manatili sa kwarto at baka pumunta na naman ang damuho roon.

Napatigil kang ako sa pagbabasa nang may narinig akong pagparada ng sasakyan. Tumingin ako sa labas at agad na inilagay ang binabasa ko sa bag nang makitang si manong na iyon.

"Ako na po, maam." Nginitian ko lang iyong lalaki at ibinigay ang backpack ko.

"Until next week po, maam." I heard the other receptionist said. I just smiled and nodded at her.

Dinial ko ang number ni Tyrone habang papasok sa van. After 5 rings, sinagot niya iyon.

"I'm on my way home, Ty," sabi ko at umayos ng upo. Pumidpid ako sa pinakagilid nang makita kong parating si Gideon.

"Oh, great. Can I take you out after? I mean kung hindi ka pagod sa biyahe?" Bumuntong-hininga ako.

"Bawi na lang ako, Ty. I'm kind of tired," sabi ko.

"It's okay. Let's just meet after, okay?" Napangiti ako.

"Yeah. Bye, love you."

"I love you, too, Nia."

I slightly nodded and ended the call. I was about to get my airpods from ny short's pocket nang bigla namang bumagsak ang pinto ng sasakyan. Napalingon ako at nakita ko si Gideon  na nakatingin sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na pinansin. Ipinasak ko ang aking airpods at in-on ang spotify. Sumandal ako sa likod ng upuan at ipinikit ang aking mga mata. This will be a long ride.

~***~

Feeling ko para akong walking zombie nitong mga nakaraang araw. Bakit hindi? I've got the Student Council to take care of, my studied and  iyong every weekend naming paglipad sa Cebu tapos kasama ko pa si Gideon. 

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon