Chapter 18

1K 38 3
                                    

Palapit na palapit na ang midterms and I must admit na mas nagiging close nga kami ni Gideon. By close, I meant we are always together and stuff. Iyong mga kaibigan ko tuloy nang-intriga na naman lalo na nang makita nila ang post niya sa IG story kagabi. 

I rolled my eyes when Airen narrowed her eyes on me. Nasa student's lounge kami, katatapos lang mag-lunch. Usually pag pa-midterms na hindi na masyadong nagka-klase ang mga professors. More on nagbibigau na lang ng reviewers and coverages, so it's up to the students kung saan at paano nila gagamitin ang time.

"What? I'm just asking lang, no!" defensive niyang sabi. Tinanong niya lang naman ako kung kami na raw ni Legaspi. 

"Ren, may boyfriend ako. We're just together cause he's helping me review, that's it. He's helping me with my studies. I already told you that." 

I heard Wayven chuckled. Pinandilatan ko siya.

"What? Ang funny niyo lang." Umirap ako. Airen turned to her.

"Heh! Shut up ka diyan. Di mo pa pinakikillala iyang mystery guy mo." Ako naman ang tumawa at umiling. Huh. Edi bumalik sa kanya. 

Hindi ko na lang sila pinansin at nagbasa ulit. I was constantly checking my phone, waiting for Toffer's chat para sa consultation ng thesis namin. 

Ilang minuto ang lumipas at nag-chat na rin siya. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at tumayo. 

Nag-angat ng tingin sina Wayven at Airen. 

"O, saan ka na?" Wayven asked. I wore my tote bag.

"Nag-chat na si Toffer. I need to go to the faculty for our consultation."

"Sige, bye!" si Airen. Tumango lang ako at iniwan na sila roon.

I walked to the Business Building. Nasa ground floor lang naman ang faculty room kaya madali akong nakarating roon. I saw Toffer with some of our blockmates waiting outside.

"Toff," I called and went up to him. He nodded. Tumabi ako sa kanya.

"Nasa loob pa sina Gideon. We're next." Tumango lang ako at naghintay roon.

I was leaning on the wall of the faculty when the door opened. Kasabay naman noon ang paglabas ni Gideon at ng partner niya. Carol Valderama arrive, too with her partner.

"Kumusta, Eon?" She smiled sweetly. Muntika na akong mapairap. Gideon just shrugged and then turned to me. Tinaasan ko siya bg kilay. 

Ngumisi naman ang loko at lumapit sa akin.

"What?" I asked. Umiling siya, nakangisi pa rin.

"I'll wait for you here," sabi niya pa. 

I was about to say something pero tinawag na ako ni Toffer kaya pumasok na kami roon. 

We just had some clarifications and other suggestions tapos pinaalis na rin kami. Pagkalabas namin ay nakasandal pa rin si Gideon sa may pinto at nakatingin sa cellphone. Nasa harap naman niya si Carol at masamang masama ang tingin sa akin. 

Kinunutan ko siya ng noo pero inirapan naman niya ako. Tss. Whatever.

"You're done?" Napalingon ako kay Gideon. Tipid ko lang siyang nginitian at tinanguan. 

I turned to Toffer.

"Saan ka?" 

Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Saan ba kayo? Hitch na lang ako!" Tumawa ang loko. 

Umirap ako. 

"Kain muna tayo?" I asked Gideon. May plano kasi kaming mag-cafe. 

"Yeah, tara."

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon