Chapter 6

1.3K 51 2
                                    

I stared at the questions written on the board.

Bumuntong-hininga ako nagsulat na lang. Ipinikit ko ang aking mga mata bago muling nagsagot.

Nang matapos ko na ang panghuling question ay binalikan ko ulit iyong pang-unang tanong. I double checked my answers. Nang makontento na ako ay pinasa ko na iyon.

"Una na ako, Toff," bulong ko kay Toffer at agad na kinuha ang bag ko.

Sandali niya pa akong tinitigan bago siya tumango at tipid na ngumiti.

Sunod sunod ang klase ko pag friday kaya dumiretso na lang ako sa aking last class.

When I arrived at the classroom, I just settled on my seat immediately. I plugged in my airpods and opened my files for the subject. I cannot afford to fail another quiz for another subject. Baka magpa-surprise quiz na naman iyong prof namin dito.

Bumuntong-hininga ako at nagsimula na ring magbasa.

I was in the middle of reading nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Bahagya akong lumingon sa tabi ko.

Agad kong natanggal ang aking airpods at napatitig kay Gideon. Nakatungo lang siya at nakatitig din sa kanyang ipad.

Naramdaman yata niya ang pagtitig ko kaya lumingon siya.

"I won't bother you, don't worry." Muli niyang ibinalik ang tingin sa binabasa.

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Bumuntong-hininga ako at agad na nag-iwas din ng tingin. Ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa binabasa ko. True to his words, tahimik nga lang siyang nagbabasa sa tabi ko.

Mga fifteen minutes before the time ay nagsidatingan na rin ang mga ka-block ko. Si Toffer ay sa likod ko na lang naupo.

Five minutes before the time ay dumating na ang professor namin. Hindi siya nagpa-quiz pero may small recitation na naganap kaya mabuti na lang din at nagbasa ako.

I was so exhausted when our class ended. Gusto ko na lang umuwi talaga at magpahinga.

"Toff, uwi ka na?" tanong ko kay Toffer habang inilalagay ang mga gamit ko sa aking bag.

"Hmm yeah. Sabay ka?" Umiling lang ako.

"Baka ihatid ako ni Tyrone," sabi ko na lang at sinukbit ang aking bag.

Nang tumayo ako ay napansin ko ang pagtitig ni Gideon sa akin. Saglit ko lang siyang sinulyapan bago tuluyang umalis doon.

I texted Tyrone and asked him kung nasaan siya. Agad din naman siyang nag-reply na nasa gym daw kaya roon ako nagtungo.

Mga varsity players lang ang nandoon pagkarating ko. I even saw my sister talking to her coach.

Iginala ko ang aking tingin. Nakita ko naman agad si Tyrone sa may bleachers. Lumapit ako sa kanya.

"Hey," I called. Agad siyang lumingon pati na ang kanyang mga team mates.

Narinig ko pa ang kantyawan ng mga ito nang tumayo siya at sinalubong ako. Tipid ko lang nginitian ang mga ito bago hinalikan si Tyrone sa pisngi.

"Uhm may practice ka pa ba? Pwede akong umuwi na lang. Text ko na lang si manong," sabi ko sa kanya. Agad na kumunot ang noo niya sabay iling.

"No, okay lang. May pina-sign lang si coach sa akin. Wala kaming practice," he assured me. Tumango tango naman ako.

"Wait, I'll just get my bag."

"Hmm sige. "

Pinanood ko lang siyang kinuha nmang gym bag niya at nagpaalam sa kanyang mga teammates. After a while bumalik na rin siya sa akin. Kumaway siya sa kanyang mga ka-teammates bago pinagsiklop ang mga kamay namin.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon