Humikab ako pagkaalis ng prof namin. It's already our last subject kaya isa isa na ring nag-sialisan ang mga blockmates ko.
"Ni, una na ako," I heard Toffer said. Tumango lang ako sa kanya at niligpit ang mga gamit ko.
I'm already sleepy.
"Hey, let's go?" Napatigil ako at nag-angat ng tingin.
"Saan tayo?" inaantok na tanong ko.
He shrugged. "Cafe? Midterms next week," paalala niya.
I groaned and rolled my eyes. Though I'm thankful for him for reminding me that.
Tumango na lang ako at tumayo na.
"Inaantok ka ba?" tanong niya. Tumango lang ulit ako.
I heard him laugh and wrapped his arm around my shoulder. Umirap ako sa kanya. Tumawa lang ulit siya at sabay na kaming naglakad palabas ng campus.
Pagpasok namin sa cafe ay napangiwi ako sa dami ng tao. We tried searching for vacant seat in the first floor pati na sa second floor.
I also tried to talk to the cashier for some vacant seat pero wala na raw talaga.
"No vacant seats," I told him and shrugged. Tiningnan niya ako.
"What?" I asked him. Nagkibit-balikat siya.
"We could go somewhere else, then."
Kumunot ang noo ko. "Saan?"
"Well, we could go to my condo. Kung papayag ka." He wiggled his brows. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa bahay ninyo?" Tumawa siya.
"Nope. Condo ko, Nia." Tiningnan ko siya sandali.
I looked at the cafe again. Wala talagang vacant. Well, I could just go home and be in our house, but I would just be sleeping for sure. And hindi pwede iyon. Wala akong mababasa o maaaral.
Bumuntong-hininga ako at tumango sa kanya.
"Hmm wala naman sigurong masama. Tara?" Tumango siya.
Humikab ulit ako. Tumawa na naman siya at inakbayan ako. In the end, sa Legaspi Towers kami.
His unit is at the top of the building. Halos buong floor ang sakop noon, as expected. His interior is a combination of black, white and gray. Lalaking lalaki rin ang baho. It smells so comfy. Mas lalo tuloy akong inantok.
"Let's just go to the study. Baka tuluyan ka ngang makatulog." Tinawanan niya ako. Humikab na naman kasi ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Naiiling na hinila niya na lang ako papunta sa study room niya. His unit was so spacious kaya nagka-study room pa siya.
"Do you always stay here?" I asked.
"Yeah. During classes. It's nearer, so it's convenient." Tumango ako.
"Stay here first. I'll just order some snacks." Iniwan niya ako roon. Umupo naman ako sa couch niya.
His study looks like a mini office with a mini library. May nakita kasi akong dalawang bookshelves na punong puno ng mga business books.
He also has a swivel chair and a huge working desk with an apple computer on it.
Consistent naman ang design dito sa kabuuhan ng unit niya, a mixture of black, gray and white plus a modern office look.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)
RomansaAirenia is struggling to find her spot. All her life, she lived in the expectations of others. She feels like she's not good enough. Kahit saang bahagi ng buhay niya ay feeling niya kinokontrol siya pati na sa kanyang relasyon. Gustong gusto niya na...