Chapter 4

1.4K 58 2
                                    

Napabuga ako ng hininga nang mabasa ang chat ng block mayor namin sa group chat.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na wala ang management prof namin at nag-iwan lang ito ng module na babasahin at sasagutan.

I should be thankful right? At least dito man lang makakabawi ako. Ilang araw na rin akong hindi pinapatulog ng subject na ito. It's my first time to actually feel like this nang dahil sa isang subject.

Wala naman akong naging problema sa mga subject ko noon. Pero ngayon, dito sa subject na ito, feeling ko hindi ako focused. O baka dahil sa nangyayari?

I am seriously having a hard time now balancing my studies, the council and work. Last sem naman kasi, talagang aral lang ang inaatupag ko. I had no org to run. Hindi rin naman ako lagi sa Fermin Hotels. Ngayon para akong nagha-hang sa mga workloads. Bukod sa pagod ang utak ko, pati pisikal na katawan ko gusto na yatang mag-give up.

Flying back and fourth to cebu is hard. Isang weekend pa lang iyon, ha. Feeling ko drain na drain na ako. I seriously need to control the situation. Ayokong may isa akong napapabayaan.

Bumuntong-hininga ako at sumandal sa likod ng aking swivel chair. I opened my laptop and went my email. Ifo-forward daw kasi ng beadle namin through email.

I just scrolled my phone while waiting for the email to come.

I browsed my twitter and facebook pero wala rin naman akong napala. Scroll lang ako nang scroll.

When an email notification popped up, I immediately looked at my laptop. Inilapag ko na muna ang aking cellphone at agad na binuksan ang email. It contains three pdf files.

Mabilis kong ni-download ang mga iyon saka binuksan. I drummed my fingers on the table as I waited for the pdfs to open.

Mukhang matataas ang mga iyon dahil medyo matagal na nag-load.

Nasa kalagitnaan ako ng paghihintay nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon ko iyon. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang sumalubong sa akin ang mukha ni Gideon.

Umirap ako.

"Ano na namang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Binalingan ko ulit siya at tinaasan ng kilay. Lumapit siya at umupo sa isa sa mga visiting chair.

"Tss. You always frown at me. Kukunin ko lang iyong pina-approve kong paper."

I rolled my eyes again. Bumuntong-hininga ako at kinalkal ang mga files dito. Nang makita ko ang kanya ay agad ko iyong inabot.

Kinuha niya naman iyon.

Naramdaman ko pa ang pagtitig niya kaya tinaasan ko na naman siya ng kilay.

"What else do you want?" I asked coldly. He just chuckled and shook his head.

"Wala, it's just nice to see you being mean again. Mas gusto ko yan kaysa tahimik ka." He smirked and immediately stood. Iwinagayway niya pa ang papel na hawak bagi tuluyang tumalikod.

Napairap na lang ulit ako at napailing.

Ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa module. Nag-load na iyon lahat.

Napahinga na lang ako nang malalim at in-scroll iyon isa isa. Looks like this will be a long task to make.

I heaved another sigh and calmed my self. I need to do better in these modules. I need this to bring my grades up.

~***~

Ang bilis ng mga araw. It's another weekend, and we're here again at the site. Mamayang hapon pa ang groundbreaking kaya chine-check muna nila ang whole site.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon