Chapter 10

1.2K 46 0
                                    

"Ate Nia, na-approve na po ng President iyong proposal natin." I heard my internal press secretary said. Nakahinga ako nang maluwag. 

"Okay, uhm that's good. Refer mo na sa finance natin para maasikaso na nila," sabi ko sa kanya. Agad siyang tumango at tumalikod. 

It was our proposal para sa sound system and catering ng freshman acquaintance. Iyan na lang ang kailangan namin and finalky I can cross this out from my to do list. Although kailangan ko pang imonitor ito hanggang sa event, at least okay na ang planning. After midterms pa naman iyon, so makakapag-focus pa ako sa mga subjects na kailangan kong i-review. 

I heaved a sigh and fixed my things. Pa- four pm na kaya pupuntahan ko na si Tyrone.

"Cleo, I'll go ahead. Kayo na ang magsara rito, okay?" bilin ko sa kanila bago ako lumabas ng council.

"Okay po." Tumango na lang ako at saka lumabas na. 

Tinext ko muna si Tyrone. Sabi naman niya kanina no practice siya ulit ngayon. Naglakad na ako papuntang gym. 

Walang masyadong tao pagkarating ko kaya nakita ko agad si Tyrone sa usual spot nila sa bleachers. Kahit walang practice dito siya tumatambay. 

"Hi, Nia!" bati ng mga kaibigan niya nang nakita ako. Tipid ko lang silang nginitian. Lumingon naman si Tyrone at tumayo. 

"Hi," bati niya habang nakangiti nang malapad. He hugged me. Niyakap ko na rin siya pabalik. 

"You okay? Sorry about your call last saturday...nag-urgent lang talaga si coach." Hr held my hand. I just smiled again. 

"It's fine," I said. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Sa huli ay bumuntong-hininga siya at kinabig ako papunta sa kanya. 

Agad na naghiyawan ang mga kaibigan niya. He let out a soft chuckle. 

"Pasensya ka na sa kanila. Anyway, let's go? I'll take you out for some merienda. May sasabihin din ako sa'yo." Kumunot ang noo ko at tiningala siya, pero ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Sabi nang wag mo akong gawing aso."

He laughed again. Nilingon niya ang mga kaibigan niya. 

"Una na kami!" paalam niya at kinawayan ang mga iyon. Mas umingay naman ang mga iyon. Napailing na lang kami.

Nakaakbay siya sa akin habang papunta kaming parking. 

We decided to just dine in greenwich. Gusto ko rin kasi ng lasagna or pizza. Para lang gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

Bumuntong-hininga ako at napatitig sa tissue na nasa lamesa namin. 

"Nia, you okay?" Napaangat ako ng tingin. Then I felt Tyrone's hand on mine. 

Huminga ako nang malalim at tinitigan siya. 

"I don't know. I really don't know already." Bumuntong-hininga ulit ako. 

Kumunot ang noo niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. 

"You want to talk about it?" he asked. Mapait akong ngumiti.  

"It's just about papa and work. You know my usual problem. Ganoon naman palagi, e. I messed up again. Then there comes-"  Napatigil ako at napabuntong-hininga. I remembered him again. Ipinilig ko ang aking ulo.

Mas kumunot ang noo ni Tyrone. He was waiting for me to say something.

Bumuntong-hininga ulit ako at tipid na ngumiti. 

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon