Chapter 15

1.1K 41 4
                                    

"Why are we here?" kunot noong tanong ko kay Gideon pagka tapak namin sa rooftop ng Legaspi Towers. 

Yes, he dragged me all the way here. Ano na naman kayang trip ng isang to? Tss. 

Nagkibit-balikat siya. "It's for you to set free." 

Mas lalong kumunot ang noo ko. "What?"

Sandali siyang natigilan bago bumuntong-hininga. Tumingin siya sa view. Kitang kita namin ang halos kabuuhan ng city. This is their tallest tower, I guess. They have three in the city, kung hindi ako nagkakamali at itong building na ito ang pinakamataas. Ito rin ang pinaka-elite na condominium nila. 

"I always come here whenever I feel drain or I just feel like relaxing." He paused and then turned to me. "Whenever I feel frustrated, I just shout. No one can hear me, but at least I got it all out." 

He shrugged again. Napatitig ako sa kanya. 

"Gusto mo sample?" Ngumisi siya. Tumaas ang kilay ko. Mahina siyang tumawa at bumaling sa harap. 

He walked to the edge of the rooftop. 

"Ayoko na! Tanginang buhay palagi na lang akong dinedeadma ni Airenia!" 

Mabilis akong natawa sa sinabi niya. 

"The hell?" I shook my head and laughed again. Binalingan niya ako, nakangisi. He walked back to me. 

"See? Napatawa na naman kita," proud niyang sabi. Inirapan ko siya. 

"Talagang iyon ang problema mo, ha?" I chuckled. He just shrugged. 

"Kind of." Tumawa siya. Napailing na lang ako. 

"Come on, ikaw naman. Isigaw mo na iyan."

Umirap ako. "Ayoko."

"Tss. Ang KJ naman. Sige na." Sinundot niya ako. 

Umirap ulit ako pero ang loko mas lalo lang akong kinulit.

"Ugh! Fine!" inis na sambit ko. Ngising- ngisi naman ang loko. 

Padabog akong lumapit sa edge ng rooftop, sa may tinayuan niya kanina. Nilingon ko siya pero sinenyasan niya lang ako ng 'go'.

Napailing na lang ako at humarap na nga sa view ng rooftop. Huminga ako nang malalim. Itinapat ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang side ng aking bibig tsaka isinigaw ang lahat ng gusto kong isigaw. 

"Ayoko na! Pagod na pagod na ako!

Hindi ko na alam kung anong uunahin ko! Pagod na akong sumunod! Pagod na akong ma pressure! I hate this fucking life! Gusto ko lang namang sumaya!"

Fuck. 

Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang biglang nag-init ang mga sulok ng aking mga mata. My breathing went heavy. Damn, Gideon. 

"Shh. That's it, Nia, just cry it out. Cry it out." 

I suddenly felt his arms wrapped around me. I bit my lip as the tears finally went down on my cheeks. Fuck. 

"I'm here, Nia. I'm here." 

"G-Gusto ko lang n-naman sumaya. Ayoko na ng g-ganito. P-Palagi na lang a-akong malungkot…" 

Pinaharap niya ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Tuluyan na akong humikbi. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakaganoon. He just kept on caressing my back while I cried my heart out on his chest. 

Damn it, Nia. Damn it. 

"Nia, you don't have to keep it all in. Nandito ako, marami kami. Pakikinggan ka namin." He sighed then I felt him kissing my hair. 

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon