Pagpasok ay naabutan namin ang mga kaklase kong inot-inot ng pinupwesto ni Sir para sa kani-kanilang kwarto.
"Tess at Sam dun kayo sa itaas yung pinakahuling kwarto ang inyo" baling sa amin ni Sir Alves.
Agad naman kaming sumunod habang bitbit ang mga gamit.
Pagpasok namin sa kwarto ay bumungad sa amin ang napakalaking kama Kaya agad na tumakbo doon si Tess at nahiga.
"Nakakapagod.." antok na sabi nito.
Binaling ko naman ang sarili sa pag-aayos dahil sa tingin ko ay walang balak umpisahan iyon ni Tess.
Saktong alas-siyete ng magising si Tess at papungas-pungas pang nakatingin sa akin.
"Nagugutom na ko, Sam" sabi nito habang nakahawak sa tiyan.
Tahimik ko namang niligpit ang mga gamit at aayusin na lamang ulit pagkatapos kumain.
Naunang tumayo si Tess sa akin at saktong pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang pagmumukha ni Nathalia.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa.Pasimple naman akong ngumisi ng bumalik ang nakita kanina.
"Kakain na daw bumaba na kayo" diretso na sabi dito bago umalis.
Bumaling naman sa akin si Tess na ngayon ay nakasimangot na naman.
"Talaga bang dapat pagmumukha niya ang makikita ko sa paggising ko" iritang sabi nito at umalis na.
Hinabol ko naman ito at sabay na kaming pumunta sa dining area.
Pagkaupo namin at pagkatapos ng isang dasal ay nag-umpisa na kaming kumain.
"Bukas ay pupunta tayo sa isang batis na malapit dito.Maaga sana kayong matulog dahil ang mahuling dumating sa labas ng bahay ay siyang maghuhugas ng pinggan sa isang buong Linggo" napabaling naman kaming lahat sa sinabi ni Sir.
Narinig ko ang mahihinang pagrerelamo ng mga kaklase ko at agad ko namang tinignan si Tess dahil siya ang laging late sa aming gumising.
Pagkatapos ng gabing iyon ay ginising ko na agad si Tess ng mas maaga ng isang oras sa nasabing oras na meet-up.At ganoon na nga ang nangyari halos ilang lang kami sa labas ng bahay kasama si Sir.
Pagkalipas ng ilang minuto ay unti-unti ng dumating ang mga kaklase ko at ang pinakahuling dumating ay si Erick at Jerome na base sa napag-usapan ay siyang maghuhugas ng pinggan.
Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa sinasabing batis ni Sir ngunit mag-iisang oras na kaming naglalakad ay hindi pa din namin ito nararating.
"Akala ko ba malapit lang sabi ni Sir?Eto ba meaning ng malapit sa kanya? Gosh! My flawless skin" maarte nitong sabi.
Pagkarating namis sa batis ay nasuklian naman ng magandang tanawin ang pagod naming lahat.
Pinagpahinga muna kami sa isang malaking kubo habang ang iba naman ay dumiretso na sa batis para maligo.
Agad akong hinila ni Tess patayo sa kalagitnaan ng aking pagpapahinga at sabay kaming pumunta sa batis.
Mabilis kong napansin ang kaklaseng si Joana kasama ang kanyang kaibigang si Rose na inaayos ang mga kakainin namin dahil sa ingay nila.
Isang oras din kaming nagbabad sa batis na iyon at isang oras din atang hindi mawala ang pagkasimangot ni Tess kapag nakikita si Nathalia kasama si Angelo na ex niya.
"Ang haharot.." may gigil na sabi nito bago ako iniwan at dumiretso kila Joana para tumulong.
Sumunod naman agad ako dito ngunit bago pa man ako makalapit sa kanila ay napansin ko agad ang isang taong nagtatago sa isang malaking puno.Minabuti kong tignan ito ngunit may biglang humila sa akin sa kung saan.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.