Hindi ko alam kung nakailang baso na ko basta ang alam ko lang ay umalis na sa tabi ko si Tess at mukang nagwawala na sa dance floor.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya hilo akong tumayo at hinanap ang banyo. Sa bawat hakbang ko pakiramdam ko ay mahuhulog ako sa isang malalim na balon.
Hindi ko alam kung ilang minuto kong inikot ang buong bar para lang mahanap ang banyo, napahawak ako sa dingding ng muntikan na akong mapatid kahit wala namang nakaharang.
Agad akong pumasok sa banyo para gawin ang dapat gawin at pagkatapos ay lumabas din dahil kung mas maingay sa dance floor may mas iingay pa pala sa loob ng banyo.
Hilo pa rin akong nakabalik sa upuan namin at inikot ang tingin para hanapin si Tess. Napadako ang tingin ko sa table nila Christian nandun pa rin sila at mukhang may seryosong pinag-uusapan lumipat ang tingin ng isa sa kanila sa akin hindi ko din makilala ito dahil nanlalabo na ang tingin ko.
Bumalik din si Tess at pagewang-gewang itong umupo sa harap ko pagkatapos ay tumungga ulit ng kung ano.
"Paano tayo makakauwi Tess ? Bwesit ka talaga" sabi ko dito at hinihilot ang sentido. Tangina ang sakit ng ulo ko.
Tatawa-tawa itong tumabi sa akin at ipinatong ang ulo sa isang balikat ko.Narinig ko ang mahinang paghikbi nito na nagpatigil sa akin.
"Hey..." inayos ko ang upo ko at iniharap ito sa akin.
Nakita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha nito. I hate seeing my bestfriend like this.
"...ang sakit amp" natatawa nitong sabi sakin pero nandun pa rin ang luha nito.
Umiyak lang ito ng umiyak sa harap ko samantalang ako naman ay pinatatahan siya.Humanda talaga sakin ito bukas.
Narinig ko nalang na hindi na ito humikbi at sa tingin ko ay nakatulog na.
Inikot ko ang tingin papunta sa Exit Door napamura ako ng makita na malayo ito sa amin.
Tumayo ako at tumapat sa tulog na tulog na si Tess na nakasubsob na ngayon sa table namin habang nakapamewang.Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sobrang inis.Punyeta
"Bitch what the wake up.." sinampal sampal ko ng mahina ang mukha nito pero mukang tulog na tulog na ang walanghiya.
Dahan-dahan ko itong inalalayan patayo kahit hilong-hilo ako ng may humila kay Tess palayo sa akin.
"Anong gina-.." napatingin ako sa may hawak kay Tess at nakita ko ang lalaking nakita namin sa Restaurant sinamaan ko lang ito ng tingin at naputol lang ng may pumulupot na braso sa bewang ko.
Napatingin ako sa taong yun at nakita ko si Christian na seryosong nakatingin sa akin.
Akmang lalayo ako sa kanya ng lalo nitong hinigpitan ang pagkakapulot sa akin kaya lalo kaming nagkadikit.
"Ano ba?" inis na tanong ko dito at naramdaman ko ulit ang sakit ng ulo ko kaya bigla akong napahawak sa ulo ko.
"Shit..." mahinang bulong ko.
Inilipat ko ang tingin at sa lalaking nakahawak sa kanya na titig na titig din sa kaibigan ko.
Hinila ako ni Christian palabas ng bar at nakasunod naman sa amin sila Tess .Hindi na rin naman ako nag-abala pang magreklamo dahil sa hilo.
Huminto kami sa isang Alfa Romeo na sasakyan.
Tinignan ako ni Christian ng diretso kaya agad kong iniwas ang tingin ko.
"Ipasok mo siya sa sasakyan ko.." rinig kong sabi nito kaya agad akong nagpanic.
"Anong? , wag na ! " awat ko.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.