Sabay na malakas na nagbuntong hininga ang dalawa pagkalipas ng ilang minuto.
Binitawan na din ako ni Nikolai at padabog na inayos ang upo.Samantalang si Tess naman ay nakahawak pa sa dibdib niya.
"Ano bang meron?" tanong ko at inilibot ang tingin, pero wala naman akong nakita na kakaiba.
Ibinalik ko ang tingin sa kanilang dalawa pero parehas lang silang nakatingin sa akin.
"Why?" natatawa kong tanong.
"Ayun ata yung surprise na ikamamatay ko" biglang sabi ni Tess at hinilot ang sintido niya.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagpresinta na si Nikolai na umuwi, noong una ay ayaw pa ni Tess pero noong tinignan ulit siya ni Nikolai ay na nahimik na din siya.
Una nila kong hinatid dahil may pag-uusapan pa daw sila.
Napansin ko na hindi sila mapakali parehas sa Restaurant at hanggang sa sasakyan.
May relasyon kaya sila?
Agad akong nandiri sa naisip at kalaunan ay natawa din.
Pagkasara ko ng pinto ng banyo ay agad akong humiga at muling inaalala ang mga nangyayari.
Alam kong nahihirapan din si Christian sa nangyayari dahil hanggang ngayon ay hindi pa din mawala ang issue sa kanila ni Ellaine.
Alam ko ding ginagawan niya iyon ng paraan dahil iyon ang sinabi niya sa akin. May tiwala ako sa kanya.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ko sa kakaisip.
Kinabukasan ay wala akong ginawa sa bahay kundi matulog at kumain, kung minsan ay tinutulungan ang mga kasambahay sa paglilinis.
Pagpasok ko sa kusina ay naabutan ko si Manang na nagluluto .
"Ang bango naman po.." sabi ko dito at parang batang inamoy-amoy ang niluluto niya.
Napangiti naman si Manang sa inasal ko.
Napakunot ang noo ko ng may bigla akong naisip.
Agad akong tumakbo sa kwarto ko para maligo at magbihis at muling bumalik sa kusina.
Nakalagay na sa paper bag ang pinaayos kong pagkain para kay Christian.
Hindi ko ito tinawagan o tinext na pupunta ako sa opisina niya.
Masaya ako habang papunta doon dahil medyo matagal na din kaming hindi nagkikita dahil parehas kaming busy , ako sa kakaisip sa issue at siya ay sa trabaho.
Agad akong lumapit sa front desk para sana itanong ang office ni Christian ng maisip na wala nga pala akong appointment.
Hindi ko naman pwedeng idahilan na miss na miss ko na ang boyfriend ko, diba?
Nakanguso akong lumabas sa company ng makasalubong ko ang isang pamilyar na lalaki.
Napahinto din ito ng makita ko at agad na huminto sa harapan ko.
"Hi.." bati nito sa akin.
Naka business suit ito at nakasuot ng ID ng company.
Tumaas naman ang kilay ko dahil hindi ko naman siya kilala.
Ngumiti din naman kalaunan ng maisip na pwede siyang makatulong sa akin.
"Hello.." maikling bati ko.
"Nandito ka for Christian? By the way , my name is Race " iniabot nito ang kamay kaya tinanggap ko naman.
Agad ko din itong binitawan dahil pakiramdam ko nakatingin sa akin si Christian.
![](https://img.wattpad.com/cover/219744076-288-k26555.jpg)
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.