Kinabukasan ay maaga kaming nagising indi ko na nga sigurado kung nakatulog pa ko.
Bumungad sa akin si Mama at Papa na nakaayos na, Mama still crying while Papa is trying not to cry too.
Agad akong lumapit sa kanila at agad silang binigyan ng malungkot na ngiti.
They still don't know about my pregnancy , this is not the right time for this . I'm sorry baby.
Tahimik kami hanggang sa makarating sa airport at naka-convoy sa amin ang Funeral Service na mag-aayos kay Ate.
I'm holding Mama's hand while waiting for Kuya and si Papa ay may kausap na sa phone ngayon.
They cancelled all of their schedules and that's good for us.
Sa ilang oras na pag-iintay ay nakita na namin si Kuya.
Maga ang mata nito na alam mong galing lang sa kakaiyak but still binigyan niya pa rin kami ng ngiti ni Mama.
Agad siyang yumakap kay Mama and narinig ko ang mahina niyang pag-iyak. Mama is now crying too.
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko, pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa pag-iyak ni Mama.
Kuya is still crying when he hugged me. I'm still trying my best para wag umiyak pero natalo ako.
Naramdaman ko ang pagdating ni Mama at agad niyang hinawakan si Mama.
Tahimik kaming lumabas sa Airport , nakita na namin ang mahabang box na ipinasok sa sasakyan ng Funeral Service , lalong lumakas ang iyak ni Mama , naramdaman ko naman ang paghigpit ng paghawak ni Kuya sa kamay at parang sa ano mang oras ay mawawalan na ng balanse.
Nanatiling tahimik si Papa habang pauwi kami. Tumulong ako sa pag-aayos ng lahat dahil kinulong ni Mama ang sarili niya sa kwarto.
Kuya is busy while answering some calls about company. Pagkatapos kasi ng libing ni Ate ay dito niya siya titira ulit sa Pilipinas. That's my Papa's choice.
Ang kompanyanamin sa US ay ipapahawak at pinagkatiwala nila sa Tito ko na doon nakatira pero maaring bumalik doon si Kuya kung kailangan ng tulong niya pero hindi magtatagal.
Ilang araw ang tinagal ng burol ni Ate , dumating ang karamihan sa mga kamag-anak namin , business partners at ilan pang kaibigan.
Tess said na hindi siya makakapunta dahil may biglaang emergency sa bahay nila. Ilang beses siya sa aking nanghingi ng paumanhin pero naiintindihan ko.
Si Nik naman ay kasalukuyang nagte-test na para pangalawang level sa kurso niya at kahit sa gustong pumunta ay hindi niya kakayanin.
Nakita ko si Ellaine kasama ang Mommy niya na pumunta sa libing ni Ate.Nakita ko na may sinabi ang Mama niya sa Mama ko.
Minabuti ko munang mag-paiwan sa simenteryo kaya nauna na din sila Mama sa akin.
Noong una ay ayaw pa akong iwan ni Kuya pero kailangan din niyang magpahinga.Kita ko ang malaking ipinayat nito sa nakalipas lang ng ilang araw dahil sa stress. Kaya pagtapos ng ilang minutong pamimilit ay pumayag na din siyang umalis.
"Condolence.." hindi na ako nagulat na naiwan siya dito.
Nakita ko na umalis na ang Mama niya pero nanatiling nakaparada malayo sa amin ang sasakyan niya.
Nalipat ko ang tingin ni Ellaine na nakangisi ngayon sa akin.
Nanatili akong kalmado.
"Bakit di ka pa umalis?" mahinang tanong ko dito. Dahil wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.