Kinabukasan ay sabay kaming nagising ni Tess dahil sa alarm ko.Nauna na rin akong maligo dahil may aayusin pa daw siya.
Ilang oras ang lumipas at narinig na namin ang boses ni Sir Alves na pinabababa na kami para umalis.
Sabay kaming lumabas ni Tess at pumunta sa maliit na parking lot na malayo sa bahay.
Habang inaantay ang mga kaklase ko ay nanatili lang akong nakatingin sa cellphone ko at panay browse sa FB dahil walang signal sa pwesto ng bahay.
Kinalapit ako ni Tess at sinundan ang tinuturo niya.
Nakita ko ang pang ngisi ng walanghiya ng makita ako.
Agad naman akong pumasok sa sasakyan namin para naman hindi ko na makita ang pagmumukha niya.
Nakita ko mula sa loob ng sasakyan ang pagparada ng isang magarang sasakyan habang tatawa-tawang siyang nakikipag-usap sa kapatid ni Sir.
Nauna na rin siyang umalis sa amin.
Pagdating sa namin sa school ay kanya-kanya na kaming baba sa sasakyan.Ang iba ay inaantay pa Ang mga sundo nila at ang iba naman ay minabuti munang mamalagi dito sa school.
Hinila ako ni Tess sa canteen wala masyadong tao ngayon dahil siguradong hindi pa nakakauwi ang ibang mga estudyante.
Nagpresinta na si Tess na siya na ang bibili ng pagkain namin habang ako naman ay kinakabahan na.
Ilang minuto lang ang itinagal ni Tess sa pagbili at masama na akong tinignan.
"Kwento na..." diretsong sabi nito.
Kinuwento ko naman sa kanya simula umpisa at akala ko magagalit siya sa akin ng sobra ng bigla itong tumawa.
"Kung ganoong lalaki lang naman makakasama mo ok lang" natatawa nitong sabi sakin.
Inirapan ko lang naman ito at kumain lang.
Ilang araw pagkatapos ng mahabang break ay may klase na ulit.
Pagdating ko sa school ay marami-rami na ding tao at may kanya-kanyang ginagawa.
Pagkapasok ko sa room ay wala pa rin si Tess at sigurado kong late yon dahil may pinanonood daw siyang drama.
Pagkatapos ng pangalawang klase ay tumayo na ako sa upuan ko at dumiretso ng library.
Puwesto ako sa pinakadulong bahagi para makapag concentrate ng biglang may maglapag ng bag sa harap ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Nikolai habang hawak ang makapal na libro para sa course niya.
"Naglalaba ako Nikolai.." walang pakeelam na sabi ko dito habang nagre-review ako.
Umupo naman ito sa harapan ko at nakangiting nagbasa.
Mabuti na lamang at hindi niya ako ginugulo ngayon dahil siguradong maisasampal ko sa kanya ang libro na hawak niya.
Isang oras din akong nag-review don at umalis na din si Nikolai para sa klase niya.
Pagbukas ng elevator ay tumambad sa akin ang pawis-pawisan na pagmumukha ni Tess na nakayuko at hinihingal.
Agad ko itong kinurot at akmang sasampalin ang kamay ko ng nakilala ako.
"Jogging? Alas dose ng tanghali? Ang healthy ha" biro ko dito.
Hindi naman ako pinansin nito at sabay na din kaming pumunta sa huli naming klase.
Pagkatapos ng klase na iyon ay inaya ako ni Tess na mag-mall dahil nakalimutan niya daw bumili ng Cartolina para sa report nila. Hindi na din kasi siya nakapasok sa unang klase niya dahil napuyat siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219744076-288-k26555.jpg)
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.