EPILOGUE

367 1 0
                                    

"....what the " malakas kong napalo ang manibela ng sasakyan ko dahil sa biglaang paghinto ng makita.

Inis akong bumaba sa sasakyan at ibinuhos ang inis sa gulong ng kotse ko.

Napahinto lang ako sa ginagawa ng makarinig nang motorsiklong paparating doon ko na lang napansin kung nasaang lugar ako napadpad, magubat ito at parang patay na lugar dito kasi ang sinabi ni Noah na pupuntahan niya kaya sumunod nalang ako dahil kailangan ko na nang approval niya about sa pinagagawang building ni Daddy.

Agad kong pinara ang nag-iisang sasakyan na iyon na dumaan at agad naman itong huminto sa harap ko na hindi ko na dapat pala pinagkatiwalaan. Agad nila akong tinutukan nang kutsilyo, wala akong nagawa kundi ibigay ang wallet ko pati ang susi nang kotse, akala ko ay ay pagdidiskitahan pa nila ang pero agad silang sumakay sa motor nila at umalis. Nanatiling nakataas ang dalawang kamay ko hanggang sa hindi ko na sila makita.

Nanatili ang tingin ko sa kotse ko na nasa harap ko lang.

"Bakit susi lang kinuha nila?" tanong ko sa sarili.

Natawa naman sa sarili kong tanong bago kinuha ang cellphone ko na hindi kinuha. Napansin ko na walang signal kung nasaan ko kaya minabuti kong magikot ikot para makakuha ng signal hanggang hindi ko namalayan na napalayo na ako. Nakita ko ang maliit na kubo mula sa malayo kaya agad akong tumakbo ng inakalang may nakatira doon.

Inabot na ako nang gabi sa loob ng kubo na iyon dahil na rin sa lakas nang buhos ng ulan tumila rin naman ito makalipas ang ilang oras , minabuti kong lumabas muna nang mapansin ang malaking bahay sa di kalayuan. Agad akong naglakad papunta doon.

Dahan-dahan akong dumaan sa gilid na pintuan hanggang sa makarating ako sa kusina. Ilang beses akong napamura sa sarili ko dahil sa ginagawa ko.

"This is illegal.." bulong ko sa sarili.

Gusto ko sanang kumuha nang ilang pagkain pero agad akong nagulat sa dumating. Gulat at takot itong nakatingin sa akin.

"Sino ka?" gulat na tanong nito sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya agad kong sinabi na kukuha lang ako nang pagkain akala ko hihiyaw ito sa paglapit ko pero parehas kaming nagulat sa malakas na tunog na nanggaling sa kung saan. Agad itong lumayo sa akin at tumakbo.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas , maingat akong lumapit sa malaking puno at  nakita ko ang babaeng nakita ko noong gabing panay ang tingin niya sa paligid na parang may hinahanap , muntikan na akong napamura nang muntikan nang magsalubong ang tingin namin.

Kinabukasan ay ganoon ulit ang nangyari rinig ko muli ang ingay mula sa malayo kaya nilakasan ko na ang loob kong lumapit sa kanila , nakita ko mula sa malayo ang pagkaing nasa lamesa matagal akong napatitig doon at hindi ko na naman namalayan ang paglapit nang babae .

Dumating ang araw na siya ang naging daan ko para makakain ako at para magkaroon nang matutulugan.

Tatawa tawa akong sumunod sa kanya dahil sa mukha nitong asar na asar sa akin hanggang sa nakasalubong namin ang lalaking may dahilan kung bakit ako nandirito.

Tawa itong nang tawa sa lahat kinukwento ko hanggang sa malaman ko na estudyante nang kapatid niya si Samantha.

Hindi na kami muling nagkita muling dalawa pagkatapos noong nangyari na iyon. Hanggang makauwi ako. Panay ang tawag sa akin ni Noah tungkol sa nalalaman niya noon sa Samantha para daw may idea ako kahit wala naman akong pakeelam.

Tahimik akong nakikinig sa speech ni Mister Del Mundo patungkol sa mga business na meron sila hanggang sa mapadako sa kanya hindi ito nakikinig sa sinasabi nang mga magulang niya sa harap at mukhang nakikipagdaldalan sa kaibigan niya na malayo din sa kanya.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon