Kabanata 4

201 8 0
                                    

Saktong alas-onse ng matapos ang ceremony nandito ako ngayon sa Parking Lot at inaantay sila Mama.

Nanatili ako sa labas ng kotse dahil kailangan ko ng hangin dahil simula kanina ay hindi ako makahinga sa loob simula noong pinakilala ako bilang tagapagmana.

Nasa medyo malayo lang si Kuya Jerry na driver ko at pwede na ring guard ko na binabantayan lang ako. Nakita ko lang itong straight na nakatayo sa isang gilid malapit sa akin.

Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko din alam ang dapat kong maramdaman.

They said that the Company is for me and for my Ate Christine so akala ko iintayin namin si Ate bago mag-announce pero bakit ako lang ang sinabi nilang magmamana?

How about Ate and Kuya?

Napanguso ako sa naisip at habang nilalaro ang maliit na bato sa paanan ko.

"Ang haba ng nguso mo umabot na ng Edsa" agad akong napaangat ng tingin sa kanya ng marinig ko ang malalim na boses nito.

"Ginagawa mo dito?" mariing sabi ko.

"I'm invited Ms.Del Mundo alam kong nakita mo ko kanina ,tinitigan mo pa" sabi nito bago sumandal sa kotse na katabi ng sasakyan namin.

I think sa kanya yon but whatever ang ganda.

"Di kita tinitignan" pagsisinungaling ko at muling yumuko.

Narinig ko na ang boses ni Mama ng paparating kaya tinignan ko ito.Nakita ko na kasama niya si Papa at nakaalalay sa kanya dahil sinusundan sila ng mga reporter.

"Aalis na ko" paalam ni Christian bago pumasok sa kotse niya at umalis na.

Nagmadali naman akong pumasok sa kotse namin dahil narinig ko ang mga tanong na tungkol sa biglaang announcement na sinabi nila Mama kanina.Lalo lang akong naiistress.

Nagtext sa akin si Tess na nauna na sila dahil hindi pwedeng gabihin dahil baka mahilo si Tita so I said ok lang.

Madali lang din kaming nakauwi dahil malapit lang ang venue sa bahay.

Pagkapasok namin ay dire-diretso akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig at sinundan naman ako nila Mama.

"Anak I'm sorry sa biglaang announcement" ramdam ko na tinitimbang nito ang boses dahil pinahahalata ko talagang naiinis ako sa nangyari.

"Anak this is for your own good" sabi naman ni Papa.

Napagbuntong-hininga naman ako sa sinabi ni Papa.

"Papa sabi nyo po pag-ayos na si Ate tsaka nyo ko gagawin yon" naiiyak na sabi ko.

Nakita ko na nagkatinginan sila at sabay na nag-iwasan ng tingin.

"Anak hindi natin alam kung kelan gigising ang Ate Christine mo , limang taon na din na hindi siya gumising and napagdesisyunan namin ng Papa mo na ipatanggal na yung machine sa kanya.Your ate is tired,baby" malungkot na sabi nito habang hinahawakan ng marahan ang braso ko.

"No! Ate is fine. Gigising siya Mama and naniniwala ako don. Isusumbong ko kayo kay Kuya !" dire-diretso lang akong umalis doon at hindi na pinansin ang mga tawag nila.

Agad kong tinawagan ang Kuya ko para sabihin sa kanya ang nangyari.

"Hello? Sammy why are you crying little girl" mas lalo akong napaiyak sa boses ni Kuya at halata sa itsura niya na pumayat siya.

Sa US kasi naka confine si Ate dahil magaling daw ang mga Doctor don and naiwan doon si Kuya para bantayan si Ate at imanage ang iba pa naming kumpanya.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon