Pagkarating namin sa tapat nang sasakyan ni Nikolai ay agad kong nakita na inis nitong sinipa ang sarili niyang sasakyan at inis na ginulo ang buhok, habang si Tess naman ay mura ng mura,si Edward naman ay tahimik lang na nakatabi sa akin habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Bakit ka sumunod? Baka masama ka pa sa issue.." mahinang bulong ko dito habang pinatatahan ang sarili.
"I don't care..." seryosong sagot nito habang pinagmamasdan si Tess.
"Nakakainis ! " malakas na tili ni Tess na naiiyak na.
Napansin ko ang akmang paglapit ni Edward sa kanya pero hindi din natuloy ng agad siyang tignan nang masama ni Tess.
"Ano ba kasing trip mo? Eto ba yung gusto mong mangyari ?!" umiiyak na hiyaw sa akin ni Tess.
"..tangina ! Sinasaktan ka na niya ! Ilang beses na ! Hindi ka pa din ba sumusuko? Sam ! Naman ! Mahal kita dahil kaibigan kita pero tama na pagiging tanga, nasasaktan ako na nagkakaganyan ka dahil sa hayop na yon" agad kong naramdaman ang mahigpit na yakap niya sa akin at rinig na rinig ko ang paghikbi niya sa balikat ko.
Nanatiling tahimik ang dalawa habang nakatingin sa amin.
Agad akong napahiwalay kay Tess ng biglang tumakbo si Nik ,bahagya pa nitong nabangga ang balikat ko sa pagmamadali.
Nagulat ako nang bigla niyang suntukin ang paparating na naging dahilan ng pag-upo nito.
Nakita ko na pilit siyang inawat ni Edward dahil akma na naman niya itong susuntukin .
"Fuck you ! " galit na hiyaw nito sa harap ng lalaki.
Agad kaming napatakbo ni Tess papunta sa kanila at agad akong natigilan ng Makita ang lalakinsa sahig.
Nagdudugo ang labi nito habang walang emosyon na nakatingin lang kay Nikolai.
"C-Christian?" gulat na tanong ko dito agad na lumipad ang tingin nito sa akin nakita ko ang halo-halong emosyon nito sa mga mata niya na lalong nagpasikip sa dibdib.
Nanatili akong nakatingin sa kanya habang ganoon din siya sa akin, gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pwede. Mali.
"Leave us alone for a while, please..." umiiyak na sabi ko sa tatlong tahimik lang sa tabi ko.
"But ..."
"Please..." agad kong silang tinignan at binigyan sila ng ngiti.
"....last na to promise" umiiyak na sabi ko sa kanila.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ng tatlo bago kami iniwan.
Ilang minuto ang nakalipas at nanatili akong nakayuko, tahimik lang itong nakatayo sa harap ko.
"Gagawin mo ba talaga ang lahat para sa kanya?" agad na nabasag ang boses ko sa sinabi ko na iyon.
Nakita ko ang pagsilay nang galit nito sa mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko nang diretso.
"Oo, gagawin ko ang lahat para sa kanya Samantha" matapang na sabi nito sa harap ko.
Muling bumalik ang sakit na kinalimutan ko dahil sa sinabi niya.
Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko hindi ko alam kung sa galit o sa sakit.
Wala na kong pakeelam.
Mahina akong napatawa at hindi ko alam kung matitignan ko pa ba siya ng diretso.
Akma itong tatalikod na ng muli akong magsalita.
"Mahal na mahal mo ba talaga siya?" hindi ko na makilala ang sarili kong boses dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Nanatili itong tahimik at nakatalikod sa akin
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.