Paglabas namin sa Restaurant ay halos mahimatay siya katatawa samantalagang ako naman ay nakasimangot na nakasunod sa kanya.
"Can you please stop?" naiinis na sabi ko dito pagpatapat namin sa sasakyan niya.
Huminto naman ito at huminga ng malalim pero nandun pa rin ang ngisi niya.
"Ayan ang napapala ng baby face" sabi nito bago kinurot ang pisngi ko.
"Don't touch my face di tayo close" sabi ko dito at akmang bubuksan ang sasakyan niya pero doon ko lang na realize na nilock niya ito.
Masama ko namang itong tinignan pero binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti
"Open.." sabi ko dito.
"Di tayo close" maarteng sabi nito bago pumasok sa sasakyan niya.
Gulat akong napatingin sa sasakyan nang umardar na ito at nilagpasan ako.
"What the -- hoy !" hinabol ko siya pero sadya niya atang binilisan ang pagmamaneho.
Inis naman akong tulala sa sasakyan niyang papalayo sa akin.
Tatawagan ko na sana ang driver ko ng biglang may humila ng cellphone ko at tumambad sa harapan ko si Christian na nagpost pa sa harap ng cellphone ko at tatawa-tawang hinila ako sa sasakyan niya na medyo malayo sa amin.
Pagkapasok ko ay tsaka niya lamang ibinalik sa akin ang cellphone ko.
Nakasimangot lang ako hanggang sa huminto kami sa isang mall.
Binagbuksan niya lang ako ng pinto ng sasakyan pero nauna rin naglakad papasok. Bwesit talaga.
Pagpasok ko sa Entrance door ay naabutan ko siyang nakikipagtawanan sa security guard kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.
Sabay kaming naglakad at napansin ko naman ang tingin ng marami sa kanya lalo na ng mga babae kaya napairap naman ako.
Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan kaya narinig ko ang bulungan.
"Anong ginagawa mo?" naiinis na bulong ko dito at akmang lalayo ng lalo niya akong inilapit sa kanya.
Ang gwapo naman ng sugar daddy niya
Halos magpantig ang tenga ko sa narinig kaya napadako ang tingin ko sa isang naka school uniform na babae na malapit sa akin.
Muli ko namang narinig ang mahinang tawa ni Christian kaya pinilit kong tanggalin ang pagkakaakbay niya.
Huminto kami sa isang bilihan ng relo kaya sumunod lang ako sa kanya at pilit siyang hindi sinasabayan.
Maraming lumapit sa kanya na saleslady para siguro i-sales talk siya sa iba't ibang brand ng relo , ako naman ay inilibot lang ang tingin sa loob ng boutique.
Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at nakita ko ang dalawang relo na inilabas ng sales lady parehong maganda iyon.
"Anong mas bagay sakin?" tanong nito.
Tumingin naman ako sa kanya bago muling tinignan ang relo.
Ituturo ko na sana ang kulay black ng biglang magsalita ang sales lady
"Ano nyo sya Sir? Kapatid mo?" nagtatakang tanong sa kanya nito.
Agad namang nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi niya.
"Ang papangit ng relo nyo dito" diretsong sabi ko bago dire-diretsong lumabas ng boutique na iyon.
Narinig ko ang tawag sa akin ni Christian kaya pinagtitinginan na siya ng mga tao. Punyeta.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.