Simula

1K 17 0
                                    


"Pupunta tayong Pampanga today Miss Del Mundo, sumabay kana sa sasakyan nila Tess" he said bago ako tinalikuran.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumasok na agad ako sa van na sasakyan namin , bumungad sa akin ang nakangusong si Tess habang nakataas ang isang kilay sakin. Nginitian ko lang ito ng bigla ako nitong inirapan.

"Sorry na..." nakangiti kong sabi dito habang tinutusok-tusok ang malulusog nitong pisnge.

"Don't talk to me" may pagtatampo pa rin nitong sabi sakin habang hindi naalis ang tingin sa bintana.

Patawa ko naman itong tinigilan at nagkunwaring may ginagawa sa cellphone ng napansin ko ang dahan-dahan nitong pagbaling sakin.

"Sabi ko sayo pumunta ka sa Blind Date na yon diba? Ano na namang bang dahilan mo ngayon?" irita nitong sabi sakin at na natili pa rin ang simalmal na tingin sa akin.

"Diba sabi ko sayo study first muna tayo, anong blind date ka jan ? bulagin kaya kita?" biro ko dito ngunit inis pa rin itong nakatingin sa akin kaya minabuti ko nalang na tumahimik.

"Dahilan mo bulok na bulok na gaga" napatawa nalang ako sa sinabi niya at muling tumutok sa aking cellphone.

Ilang oras ang lumipas at nakarating na din kami sinasabing lumang bahay daw na tutuluyan namin sa aming camping.

Naunang bumaba si Tess dahil pa rin siguro sa pagtatampo niya sakin.Pagbaba ko ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

Inikot ko ang tingin sa paligid at napansin na tago ito at malayo sa kabihasnan, napapalibutan ang bahay ng matatas na punong kahoy na may mahahabang sanga kaya hindi mo madaling makikita ang nasabing bahay.

"Ang creepy dito Sam pakiramdam ko may papatay sakin any moment" rinig kong sabi sakin ni Tess pansin ko na yakap din nito ang sarili dahil sa malamig na hangin na bumabalot sa lugar.

"..ang sarap sigurong iligaw si Nathalia dito" banggit niya sa pangalan ng girlfriend ng ex niya.

Pasimple akong natawa sa sinabi niya at muling bumalik sa sasakyan para kunin na ang mga gamit namin.

"Tulungan mo na ko dito Tess ang da-" putol na sabi ko ng wala akong makitang Tess sa aking tabi , inikot ko ang tingin sa paligid para hanapin ang mga kasama ko ngunit wala akong makita.

Nagkibit balikat na lamang ako at maingat na dinala ang mga gamit sa lumang bahay.

Bumungad sa akin ang sobrang luma na mas matundi pa sa inaakala ko , nakabukas ng kaunti ang pinto nito kaya dahan-dahan akong pumasok sa inaakalang nandun na ang mga kasama ko.

Ang mga gamit sa loob ay natatakpan ng kulay puting tela para siguro maprotektahan ang mga gamit sa alikabok. Inilapag ko ang mga gamit ko sa isang maliit na sofa at muling hinanap si Tess.

Minabuti kong iwan muna ang mga gamit sa sala ng napansin ang kaluskos mula sa pangalawang palapag , unang hakbang ko pa lamang sa unang baitang ng hagdanan ay muling dumaan ang napakalamig na hangin, hindi ko na lamang ito pinansin at muling humakbang ngunit sa bawat hakbang ko ay patindi ng patindi ang lakas ng pintig ng puso ko.

Pagdating ko sa taas ay nakita ko ang isang anino ng tao na pumasok sa isang kwarto ngunit wala akong narinig na kahit ano mang pagsara ng pinto, susundan ko na sana ito ng biglang marinig ko ang boses ni Tess.

"Samantha ! Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba pumunta?" nagpamadali kong bumababa papunta sa kanya ng napansing kasama niya sila Sir at ang iba pa.

"Ibaba nyo muna ang mga gamit nyo at magpahinga" rinig kong utos ni Sir Alves kaya hinila na ko ni Tess sa kung saan.

"Saan ka ba galing? Kausap lang kita kanina bigla kang nawala." inis na naman na baling nito sakin.

"Kayo kaya ang nang iwan kinuha ko lang yung mga gamit ko sa sasakyan nawala na kayo lahat" inis na baling ko din sa kanyan.

Naguguluhan ako nitong tinignan kaya napanguso na lamang ako.

"Anong iniwan? Ay ewan ko ba . Tsaka bakit ang bilis mong nakarating dito? Ang layo nito dun sa pinagparadahan ni Sir ha?" nagtataka nitong sabi.

Tinignan ko na naman ito ngunit wala man lang akong makitang pagbibiro sa mga sinabi niya kaya naguluhan ako.

"Pagbaba ko sa sasakyan kanina, nakita ko agad tong bahay tsaka ilang hakbang lang ang layo nito dun sa sasakyan natin , ang OA mo " sabi ko dito at muling tinignan ang pangalawang palapag.

"Samantha nag-drugs kaba? Limang minuto o mahigpit pa ata kaming naglakad papunta dito, Ewan ko ba sayo" gulat akong napatingin dito.

Bakit ganoon?

Minabuti kong tignan ang labas ng bahay upang kumpirmahin ang sinasabi ni Tess ng napansin ko na hindi nga kakasya ang sasakyan namin dahil sa kitid ng daan dahil sa mga puno.

Pero bakit kanina nandito ang sasakyan namin sa tapat?

Muli akong nakarinig ng kaluskos mula sa kung saan at binaling ko ang tingin sa isang lumang kubo na malapit sa akin. Nakumpirma kong doon nanggaling yon ng muli itong masundan.

Dahan-dahan akong humakbang papunta dito, napansin ko na may kalumaan na din ito at matindi na din ang alikabok, at katulad ng lumang bahay ay nakakatakot ding pagmasdan lalo na at alas-singko na.

Muling tumaas ang balahiho ko ng palakas ng palakas ang kaluskos mula sa loob sa bawat hakbang ko, ganoon din ang lakas ng tibok ng puso ko ,maingat ko sanang itutulak ang maliit na pinto ngunit naunahan na ako ng nasa loob.

Gulat akong napatingin dito ng nakilala ang  nasa loob.

"Erick? Anong ginagawa mo jan?" gulat kong tanong dito at bahagyang pinakalma ang sarili.

Hindi naman ako matignan nito at halos malaglag ang panga ko sa sumunod na nakita.

"Nathalia?!" halos nanlaki naman ang mata nito ng makita ako.

"Anong..?Bakit?" naguguluhan kong turo sa kanila.

"Samantha wag ka nalang maingay, please" nagmamakaawang sabi ni Erick.

Naguguluhan pa rin akong tumingin sa kanilang dalawa habang si Nathalia naman ay hindi pa rin makatingin sa akin ng diretso.

Akma akong hahawakan ni Erick ng bigla akong mapaatras.

"Please Samantha" nahihiyang sabi nito.

Narinig ko ang malakas na boses ni Tess na tumatawag sa akin kaya halos hindi alam ng dalawa kung saan sila magtatago.

Malalandi

Sinalubong ko si Tess at agad na hinila  pabalik sa loob sa loob ng bahay.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon