Kabanata 21

124 3 0
                                    

Agad kong itinutok ang sarili sa kung ano-ano na pwede kong gawin para makalimutan ang nangyari.

Napahinto ako sa ginagawa ng biglang bumukas sa pinto nang office ko ang anak ko at ngiting-ngiti na pumasok, agad itong nagtatakbo sa akin at kumandong.

Nakita ko naman na pabagsak na umupo si Tess sa couch na nasa harap namin.

"Bakit ka po nandito?" nakangiting tanong ko kay Thatcher at bahagya pang kinurot ang pisngi niya.

"Na-miss po kita bigla , Mommy" sagot nito at hinalikan pa ang pisngi ko.

"Grabe yang anak mo sobrang bilis tumakbo.." nakasimangot na sumbong sa akin ni Tess.

Agad namang kumawala sa akin si Thatcher at nakita ko na pumunta siya sa tabi ni Tess.

Nakita ko na agad na hinalikan ni Thatcher si Tess sa noo .

"Sam, jojowain ko na talaga itong anak mo, sobrang sweet" nakangiting sabi nito sa akin at agad na niyakap si Cher.

Biro ko naman siyang inakmaan na babatuhin ng lapis na hawak ko pero tumawa lang ito sa akin.

Agad kong iniwan ang sarili ko at nakipaglaro sa kanilang dalawa.

Sabay kaming napabagsak na tatlo sa couch sa sobrang hingal dahil ginawang playground ni Thatcher ang office ko , nakakalat na ang ibang papel na nasa table ko.

Agad naming narinig ang pagkatok sa pinto at iniluwa noon si Nicole na may hawak na tray na pagkain.

Pagkalabas niya ay agad naming nilantakan at sabay-sabay na napatawa nang marinig namin ang malakas na pagdighay ni Thatcher.

Nakita namin ang pamumula nito na lalo naming ikinatawa.

Bumalik ako sa ginagawa ko at agad na inayos ang kalat sa loob ng office ko, nakatulog naman si Thatcher sa kakalaro na nakaunan na ngayon sa hita ni Tess.

"Anong nangyari sa meeting nyo?" agad akong napahinto sa ginagawa sa biglaan tanong na iyon.

"Ok lang.." maikli kong sagot dito at pilit na tinatanggal ang alaala na bumalik sa isip

"Talaga ba? Bakit namamaga mata mo?" nakataas na kilay na sabi sa akin ni Tess habang marahan na tinatapik si Thatcher.

"Wala 'to" pagkukunwari ko.

"Meron yan, Sam. Ano ? Bakit?" nag-aalalang sabi nito sa akin.

Agad akong napatingin sa kanya na nakatutok lang tingin sa akin.

"Ang sakit.." agad akong napasubsob sa desk ko pagkatapos kong sabihin iyon, naramdaman ko ang panginginig ng labi ko sa muling pag-iyak.

Agad kong naramdaman ang mahinang pagtapik sa akin ni Tess sa likod ko , agad akong niyakap nito.

Alam kong may ideya na siya sa nangyari.

"Nandoon ba?" malungkot na tanong nito sa akin.

Agad akong napatango sa sinabi niya , narinig ko din ang malalim na paghinga nito ng malalim.

"Sobrang liit talaga ng mundo" patuloy pa na sabi nito.

Hindi na ito nagtanong pa at mahina lang na tinatapik ang likod ko.

Agad akong napaayos ng upo nang mapansin na gising na si Thatcher.

Agad na pumunta doon si Tess at mabilis ko namang inayos ang sarili ko. Agad na lumipad ang tingin ng anak ko sa akin , kita ko ang pagkunot ng noo nito nang makita ang itsura ko.

"Mommy? Why are you crying po?" inosenteng tanong nito sa akin.

"Wala baby.." nakangiti kong sagot nito pero nanatili pa rin ang tingin nito sa akin.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon