Kabanata 23

155 2 0
                                    

Pagkagising ko ay hirap na hirap akong bumangon dahil sa bigat nang nararamdaman ko.

Nakita pa si Thatcher na mahimbing na natutulog pa sa tabi ko , hindi kasi ito pumayag na iwan ako dahil baka daw umiyak na naman ako, simula noong araw na iyon ay dito na siya sa akin tumatabi. Kung minsan ay sa kwarto niya kapag hindi niya trip at nalilibang sa pag-aaral.

Dahan-dahan akong pumasaok sa banyo para ayusin ang sarili ko. Nakita ko na may nakahanda nang almusal sa lamesa at maayos na din ang bahay , sigurado akong maagang pumunta si Manang para mag-ayos.

Agad akong nagtimpla ng gatas para sa kanya, agad kong narinig ang maliliit na yabag at pupungas-pungas pang umupo sa pwesto niya.

"Good Morning , baby ! " masayang bati ko dito at agad na hinalikan ang noo niya.

"Good Morning din po.." nakangiting sabi nito sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko siyang binihisan at inayos ko na din ang sarili ko.

Ngayon kasi ang uwi ni Kuya dahil may aayusin daw siya sa Company namin dito.

Tahimik lang na nakatingin si Thatcher sa labas habang binibilamg ang mga sasakyang dinadaanan namin. Nakarating kami sa Company ni Kuya, si Kuya na kasi ang pinagmana ng DM Company dahil tinanggihan ko iyon simula noong namatay si Ate Angel pero nanatili akong laging tumutulong sa kanila kapag may oras ako.

Mahigpit ang hawak sa akin ni Thatcher ng pumasok kami sa Company bumungad sa akin ang Secretary ni Kuya na si Venice at agad kami pinapasok sa VIP elevator.

Pagkabukas ko nang office ni Kuya ay hindi man lang nito itinapon ang tingin sa akin at nakatutok lang na nakatingin sa mga papel na sa harap niya.

"Uncle Malik ! " agad akong binitawan ni Thatcher ay agad na sinugod si Kuya, nakita ko pa ang gulat nito sa biglaang pagkandong sa kanya ni Thatcher.

"Hey bro.." nakangiti itong nakipag fistbump sa anak ko na agad nitong kinatawa.

"Kuya , bakit di ka muna umuwi? Kailangan talaga dito ka talaga di-diretso ?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at umupo sa maliit na couch na malapit sa kanya.

"Dumaan ako sa Condo ko , Sammy. Don't worry about me" nakangiting sabi sa akin at agad na kiniliti ang bewang ni Thatcher.

Pagkatapos ng ilang oras na pakikipag kwentuhan ni Kuya kay Thatcher ay muli na naman itong bumalik sa ginagawa niya samantalang si Thatcher naman ay agad na binuksan ang laruang uwi sa kanya.

"Let's go to the nearest Restaurant " sabi nito at agad na inayos ang sarili, agad naman akong sumunod sa kanila ni Thatcher dahil mukhang nakalimutan ata ng bata na kasama niya ko.

"I want Superman and Captain America , Uncle" rinig kong sabi ng anak ko kay Kuya.

" I want Spiderman " nakangiti naman sagot nito sa kanya.

Hindi ko nalang sila inabala sa ginagawa nila at inabala ang sarili sa pag-sketch sa iPod sa pumapasok na details na design sa utak ko na balak kong gawin.

Pagdating sa Parking Lot at nahirapan kaming humanap ng space dahil siguro maraming tao sa loob dahil Dinner na.

Magkahawak kamay na pumasok si Kuya at si Thatcher sa Restaurant at nanatili akong tahimik na sumunod.

Nakilala ko ang ibang nandoon na kumakain , ang iba ay binati pa ko.

Nakita ko ang pagsunod ng tingin ng iba sa Kuya ko habang parang supermodel itong maglalakad papunta sa upuan namin.

Nang makaupo ay agad kaming inabutan nang Menu pero bago pa ako makasagot ay agad na umalis si Kuya pagkatapos kong marinig ang mga in-order niya.

"Kuya, ang dami naman .." tanong ko dito.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon