Sunod-sunod ang pagtunog ang cellphone ko. Walang kahit na sino akong sinasagot doon.
Parang biglang naging blanko ang utak ko sa lahat ng nabasa ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay dahil sobrang bigat ng ulo at dibdib ko.
Akma kong ibabato ang cellphone ko dahil sa ingay nito ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko , nakita ko si Manang na pumasok doon at dala-dala ang isang tray na sa tingin ko ay pagkain.
"Mag-hapunan kana, hindi ka daw kumain" nag-aalalang sabi nito sa akin bago dahan-dahang ibinaba ang hawak sa study table ko.
Nginitian ko lang ito ng magpaalam na din. Pagkasara ng pinto ay nanatili akong tahimik at tulala.
Naramdaman ko na naman ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko, agad akong napahawak sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan doon.
Lumipas ang isang buwan ay hindi ako lumabas ng kwarto, dinadalan nalang ako ni Manang ng pagkain at kita ko sa ngiti niya ang pag-aalala sa akin.
Si Tess at Nik ay bumibisita pero wala akong oras na binaba sila o kinausap man lang. Alam kong masyado akong nagiging selfish sa ginagawa ko , pero hindi ko alam ang gagawin ko.
Agad akong napatakbo sa banyo ng biglang may maramdaman sa sikmura ko, ito na ang pangatlo sa araw na ito pakiramdam ko ay naisusuka ko na ang lahat ng kinakain ko simula noong unang araw na naramdaman ko ito.
Agad akong nagmumog pagkatapos pero agad ding napahawak sa gilid ng lababo ng muling umikot ang paligid ko.
Agad akong kinabahan sa naisip ko pero hindi ko iyon pinansin.
Hindi ako nakakatanggap ng kahit anong tawag simula sa kanya simula noong araw na iyon, ni walang text o email akong natanggap.
Lalong naging maingay ang media nitong mga nakaraang Linggo dahil sa mga sagot ni Ellaine sa mga interview habang nananatiling tahimik lang lagi sa tabi niya si Christian.
Parang pinipiga ang puso ko kapag nakikita silang magkasama pakiramdam ko ay parang naging ketket nalang ako sa buhay niya.
Kinabukasan ay muling kumatok si Manang bago pumasok ng kwarto ,muli nitong inilapag ang tray ng pagkain sa study table ko at agad akong nilapitan ng makitang agad akong napahawak sa bibig ko.
Agad akong nagtatakbo sa banyo at hirap na hirap na isinubsob ang sarili sa lababo.
"Anong problema iha?" naramdaman ko ang paghagod nito sa likod ko.
Agad kong tinanggal ang luha ko pagkatapos magmumog.
Tumapat ako sa kanya at wala sa sariling yumakap.
Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong ganoon bago niya ako inalalayan para muling umupo sa couch na nasa kwarto ko.
"Anong gusto mong kainin?" nakita ko ang muli nitong pagngiti sa akin pero ngayon ay kita ko na ang awa at lungkot doon.
Agad nitong hinawakan ang kamay ko dahil nanatili akong nakayuko. Nagulat ako ng bigla itong tumayo at lumabas ng kwarto.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita kong pawis na pawis na pumasok ng kwarto ko si Tess.
Gulat akong napatingin ako dito at siya naman ay nanlilisik ang mata sa akin.
Agad ako nitong tinabihan bago hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? Tinawagan ko na si Nik papunta na yon" nag-aalalang sabi nito sa akin.
Agad akong napatingin dito .
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.