Pagkatapos niya akong ihatid ay mabilis din itong nagpaalam dahil tumawag na naman daw sa kanya ang Secretary niya.
Hindi mo na ipinahalata sa kanya na gusto ko pa siyang makasama noong araw na iyon dahil sigurado akong hindi siya aalis sa tabi ko.
Pinili kong intindihin nalang ulit ang nangyari. Hindi ako pwedeng maging hadlang sa trabaho niya at sa pangarap niya.
Pagkatapos kong makatanggap nang isang tawag mula sa kanya ay mabilis na din akong nakatulog.Hindi din naman nagtagal ang tawag na iyon dahil muli kong narinig sa kabilang linya ang pagtawag sa pangalan niya.
Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising , pagkababa ko ay naghahain na si Manang ng pananghalian.
"Manang.." masayang bati ko dito bago umupo sa pwesto ko.
Wala ulit sila Mama at Papa dahil umalis na sila papuntang Europe para sa isang Business thing doon.
Narinig ko na may balak silang magpatayo doon ng Company, pero wala naman akong interes doon kaya hindi ko na din inalam pa.
"Kumain kana, iha" nakangiting sabi dito.
Inaya ko si Manang para sana sabayan ako pero sinabi niya na nauna na silang kumain sa akin dahil malapit na din namang mag-1.
Makalipas ang ilang Linggo ay wala akong natanggap na tawag mula kay Christian. At pilit kong isinisiksik sa utak ko na busy lang siya sa trabaho niya.
Habang nagbabasa ay naramdaman ko ang pa-vibrate ng cellphone ko at isang text iyon mula kay Nik.
From,
NathanSam,tell Tess to stop bothering me . Ayaw makinig sa akin ,sasakalin ko talaga yan kapag nagkita-kita tayo
Agad akong napailing pagkatapos basahin iyon.
Hindi na rin naman ako nahirapang itext si Tess dahil bigla din itong tumawag.
"Samantha.." pagalit na bungad dito sa akin.
Agad naman akong napakunot noo dahil dito.
"Why?" inosenteng sagot ko.
"Nik is very annoying pinapatayan ako ni Doc ng tawag" parang batang pagsusumbong dito.
Agad naman ako napatawa dito.
"Eh bakit ba? Alam mo namang nasa Hospital yung tao" natatawa kong sagot dito.
"Wala lang...gusto ko sana kayong ayain ulit sa Bar . Hindi na don sa Bachelor's , may bagong bukas sa may bayan , let's try !" excited na sabi dito.
"Jestessian ! Maawa ka sa kidney mo . Pati kidney namin dinadamay mo" naiirita kong sagot dito.
"Gara nyo ! Ekis na talaga kayo " nagtatampo na sabi nito sa akin at agad na binabaan ako ng tawag.
Akong napahilot sa sintido ko dahil bigla akong nakonsensya. Tess is very childish. Masyado siyang na spoiled ,kaya kaming dalawa ni Nik ang pilit pumipigil sa mga binabalak niya sa buhay niya kapag hindi na tama o sumusobra na.
Hindi na ako muling kinulit pa ni Tess pagkaraan noon at alam kong nagtatampo na naman iyon sa amin. Pero kung hindi namin gagawin iyon ay makakasama naman sa kanya.
Muling dumaan ang isang Linggo na walang paramdam si Christian, makatanggap lang ako ng isang text sa kanya tapos wala na.
Habang tinutulungan si Manang sa pagbungkal ng lupa ay agad kong narinig ang malakas na tunog ng cellphone ko.
Nagmamadali kong tinanggal ang gloves na suot ko bago ko sinagot yon.
"Christian !...." excited na bungad ko dito.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.