Agad na bumalik sa akin ang alaala nang makapasok ako sa condo niya. Agad niya akong pinaupo sa sofa pagkatapos ay binuksan ang tv sa harap ko. Hindi naman ako nanood at isinandal nalang ulit ang sarili sa upuan dahil umiikot ang paningin ko.
"Sila Tess.." agad akong napatayo sa naalala pero agad din akong tinulak ni Christian ng mahina kaya agad akong muling napaupo.
Muli itong lumuhod sa harap ko at ipinatong ang dalawang bote ng alak sa tapat nang lamesa kung nasaan ako.
"Natawagan ko na.." iritableng sagot nito sa akin bago umupo sa upuan na nasa harap ko.
Nanatili akong tahimik at hindi siya binigyan nang tingin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising hindi na ko din ako nag-abala pang gisingin si Christian sa kabilang kwarto dahil sa dami ng tawag ni Manang sa akin, sigurado akong hinahanap na ako ng anak ko.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Thatcher at halata dito na kagagaling lang nito sa iyak.
"Mommy.." paiyak na sabi nito pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.
"Why?" nag-aalalang tanong ko dito.
"Yung Robot ko po nawawala yung ulo.." malungkot itong tumingin sa akin.
Pinigilan kong ngumiti sa sinabi niya at marahang hinawakan ang mukha niya dahil sa bumagsak na luha niyo.
"It's ok , baby" pagpapatahan ko dito.
"Nagpadilig ka na ba?" rinig kong sabi ni Tess na hindi ko napansin na prenteng nakaupo sa sofa at umiinom pa nang juice.
"Anong sinasabi mo jan?" sagot ko dito at inaya si Thatcher na tumabi sa kanya.
"Saan ka natulog? Sa place niya diba? Grabe rupokskie?" biro nito sa akin.
Inirapan ko lang siya at pabirong ibabato sa kanya ang magazine na ako ang cover kasama ang mga design na gown na gawa ko.
"Stop that. Walang nangyari utak mo green" natatawa kong sabi nito.
"Utak mo green nyenye" parang batang pang-iinis nito sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at inuto nalang si Thatcher tungkol sa ulo ng Robot niya.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang biglang kunalabog ang pinto at inuluwa nito ang hinihingal na si Christian.
"Fuck.." rinig kong bulong nito kaya agad akong napabaling kay Thatcher na inosente lang ding nakatingin sa Daddy niya na sa tingin ko ay hindi narinig ang sinabi ni Christian.
"Miss na miss agad" natatawang bulong naman ni Tess bago tumayo at akma nang aalis. Humalik ito kay Thatcher at agad ding nagpaalam sa akin , nadaanan pa nito si Christian sa pinto na binigyan niya lang ng isang tango.
Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa amin si Christian hindi pa ito nakakapag palit nang damit niya simula kagabi.
"Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko dito.
"Akala ko iniwan mo ko" malungkot na sagot nito sa akin.
"Ako pa talaga ?" parang tangang sagot ko dahil na rin siguro sa inis sa naisip at sa sinabi niya.
Pagod itong umupo sa tapat na upuan kung nasaan kami ni Thatcher. Ibinuka nito ang mga braso niya kaya agad na tumakbo sa kanya si Thatcher at yumakap dito.
"Daddy, I have a problem po" lambing ni Thatcher sa Daddy niya.
Napabuntong hininga naman ako dahil siguradong-sigurado na may balak nanaman ang anak ko.
"What is that?" nagtatakang tanong ni Christian at tumingin sa akin bago bumalik ang tingin sa anak.
"Yung ulo po nang robot ko nawawala.." sagot nito.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
Aktuelle Literatur(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.