"Ano na namang problema mo?" agad na nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
"None, I just want to marry you" diretsong sabi nito at sumandal pa sa upuan niya at relax na relax.
"Mr.Salvereño , kung walang kinalaman sa business ang mga sasabihin mo, please, can you please leave?" agad akong tumayo sa upuan ko at akma na sana akong pupunta sa table ko nang muli ko siyang narinig na magsalita.
"But you are my business..." matapang na sabi nito.
Agad na bumalik ang tingin ko sa kanya , nakita ko ang paglambot ng tingin nito sa akin.
"Are you bored?" galit na tanong ko dito.
"No, I'm not bab-"
"NO ! What the fuck is your problem?" agad akong lumayo sa kanya na akma ako niya akong hahawakan.
"...ano nanamang pakulo mo, Christian. I'm tired to your fucking games. I'm very tired" agad kong pinalis ang luha ko nang magsimula iyong bumagsak sa pisngi ko.
Nakita ko na sinundan niya nang tingin ang ginawa ko at kita ko ang paggalaw ng panga niya.
"Samantha , listen to me" muli itong humakbang palapit sa akin pero muli akong lumayo sa kanya.
Nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa mga mata niya pero wala na akong pakeelam. I need to be strong.
"No , napag-usapan na natin 'to.." diretsong Sabi ko sa kanya at pinipilit ang sariling maging matapang.
"...sabi mo lumayo ako and I did that, pero bakit ka nandito ngayon? Do you have a new game again?" muling tumulo ang luha ko sa sinabi ko pakiramdam ko ay muling na namang bumalik ang lahat sa akin sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.
"Please, lis---"
"NO ! " agad kong hiyaw sa kanya . Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko pero nanatili ang madilim na tingin ko sa kanya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at unang pumasok doon si Nicole habang nakasunod lang naman sa kanya si Edward at Maxton na sa tingin ko ay narinig ang paghiyaw ko.
"Mam.." rinig kong sabi ni Nicole sa akin at agad akong nilapitan.
Nakita ko na lumapit na din si Maxton kay Christian pero nanatili ang tingin nito sa akin. Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya.
Pero bakit? Ginusto niya 'to lahat.
"I think we need to go.." akmang hahawakan na ni Maxton si Christian pero agad na itong humakbang papunta sa akin , nagulat ako nang biglang may humarang sa harap ko kaya napahinto din si Christian sa paglapit sa akin.
"Sir, I think pwede na po kayong umalis.." diretsong Sabi ni Edward sa harap ko habang nakatingin ng diretso kay Christian.
Nakita ko ang paglipad ng tingin sa akin ni Christian pero agad ko lang n inilayo ang tingin ko sa kanya.
"Samantha.." nahihirapang tawag nito sa akin.
"Please leave , I don't want to talk to you anymore, ayaw na kitang makita" agad na nabasag ang boses ko sa huling salitang sinabi ko , kitang kita ko na pinipigilan niya din ang pag-iyak sa harap ko .
"Are you ok?" nanghihina akong inalalayan ni Edward papaupo habang si Nicole naman ay mabilis na kumuha ng tubig.
"No.." umiiyak na sagot ko.
Agad kong naramdaman ang pagyakap nito sa akin kaya lalo lang akong napaiyak. Naramdaman ko ang maingat na paghagod nito sa likod ko.
"Don't cry.." mahinang bulong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.