Pagkatapos naming kumain ay nag-aya na siyang umuwi agad dahil may tumawag na kliyente sa kanya.
Hinatid muna niya ako bago siya nagmamadaling umalis.
Naabutan kong prenteng nakaupo si Tess sa sala namin at kumakain ng chips.
Lumipad agad ang tingin nito sa akin ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto.
"Saan ka galing?" birong sabi dito habang nakapewang pa at ginaya ang boses ni Mama.
Natawa naman sa inakto niya at agad binato ng unan.
"Saan ka nga galing?" sabi nito at siniksik pa ko sa upuan.
"Japan.." maikling sagot ko at agad na kumuha ng chips sa bowl na hawak niya.
"Japan?!" napalayo ako sa kanya ng lumakas ang boses nito.
"Gulat na gulat ?!" naiirita kong sabi dito at hinawakan ang tenga.
"Gaga, Japan ? Seryoso?" gulat at nagtataka pa rin nitong tanong sakin.
Tumango na lamang ako bilang sagot.
"Sino kasama mo? Tsaka bakit?" tanong ulit nito.
"Nag crave si Christian sa Teriyaki" naiinis din na sabi ko dahil sa mga naaalala.
"Putangina..." tawa lang ito ng tawa kaya kuno't noo ko itong tinignan.
".....may saltik din pala jowa mo" natatawa pa rin nitong sabi sakin.
Napairap naman ako sa sinabi niya.
Inubos ni Tess ang oras niya sa panonood ng movie sa sala samatalang ako naman ay inubos ang oras sa pagda-drawing ng mga design ng gowns na pangarap kong gawin.
"Sam, kamusta na nga pala ate mo?" napalingon ako kay Tess dahil sa tanong niya.
"No response pa din" malungkot na sabi ko dito.
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya at hindi na muling nagtanong pa.
Umuwi na si Tess bago mag dinner dahil tinawagan na din siya.
Napapansin ko na busy at marami ding tumatawag sa kanya sa phone.
Siguro ay dahil siya rin ang magmamana ang company nila.
Umaga na ng magising ako.
I saw Christian's message and he said na papunta na siya sa opisina.
Bumaba naman ako para mag-breakfast when my phone suddenly vibrate. I saw Tess name.
"Sam.."
Ni-loudspeak ko naman yon para makakain ng maayos.
"Hmm.."
" I saw new article about your boyfriend.... nakita mo na ?"
Napakunot-noo naman ang tingin ko sa sinabi niya.
"Article? Anong article?" tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.
"Basta tignan mo nalang"
Agad naman nitong ibinaba ang tawag pagkatapos lang ng ilan pang tsismis niya.
Pagkatapos kumain ay agad kong binuksan ang link na sinend niya.
Christian Douglas Salvereño the CEO of Sonder Company and Ellaine Laurie Amora is secretly dating..
Nakita ko ang kasunod na picture at kuha iyon sa Restaurant sa kung saan kami kumain during our second date.
So, she's Ellaine.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.