Kabanata 11

134 4 0
                                    

R-18

Pagkatapos mag-ayang kumain ni Nikolai ay umuwi na din kami.

Muli na naman silang nagtalo ni Tess dahil doon. Gusto pa kasi nito na maglibot sa mall pero hindi siya pinansin ni Nikolai at dire-diretso lang na naglalakad.

Pagkahatid nila sa akin sa bahay ay mabilis din silang umalis. Nakita ko na naman ang simangot ni Tess at kinawayan lang ako.

Pagkaligo ko ay agad akong nakatulog dahil na rin siguro sa pagod.

Kinabukasan ay wala akong ginawa kundi manood ng movie at matulog.

Napagdesisyunan din kasi namin ni Tess na wag ng pumunta sa school dahil wala na kaming gagawin doon.

Maaga kasi naming napasa ang lahat mg requirements para kalmado na kami parehas at wala ng iniisip pa bago ang graduation.

Kaya napagdesyunan naming pumunta nalang kung may practice man for graduation ceremony.

Bandang alas-tres ng tanghali ay nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko.

Agad ko namang pinatay ang TV bago iyon sinagot.

"Hello.." sabi ko dito at hindi na napigilan ang paghigab.

"Nagising ba kita?" nag-aalalang tanong nito.

Wala sa sarili naman akong umiling na akala mo nasa harap ko siya.

"No.." agad kong binuksan ang pinto para bumaba.

"Punta ka ulit sa condo.." napahinto ako sa akmang pag-inom ng tubig dahil sa narinig.

Agad na sumilay ang ngiti ko sa sinabi niya.

"..... Congratulation Graduates ! " agad na nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ng aming Principal.

Agad akong hinila ni Tess at hinila papunta malapit sa stage nandun na din si Nikolai na pilit na ngumingiti sa mga nagpapa-picture na estudyante sa kanya.

Pagkatapos ng ilang shots ay nagsawa din siya kaya naghiwa-hiwalay na din kaming tatlo.

Naabutan ko sila Mama na inaantay ako sa may exit ng Gymnasium kung saan ang venue ng Ceremony.

Sinalubong ako ni Daddy at iniabot sa akin ang isang bouquet ng Rose.

Pagkatapos naming kumain sa isang Restaurant ay mabilis din kaming umalis.

I received Christian's message pagkalabas ko ng banyo.

Pagkatapos replyan ang mga text na bumabati sa akin ay natulog na ko.

Pagdating ng hapon ay nagpaalam na ako kay Mama na mago-overnight kila Tess.

Nakausap ko na naman sila Tess tungkol dito. Nakilala na ni Mama si Christian ng aksidente namin itong makita sa Restaurant kung saan naging paborito namin ni Christian kumain.

Hindi ko sinabi sa kanila na sa Condo ako ni Christian pupunta dahil sigurado akong hindi ako papayagan.

Agad hinanap sa bag ko ang spare key na ipinagawa ni Christian para sa akin.

Hindi na din ito ang una kong punta dito dahil kung minsan ay dito na din kami nagda-date dahil naisip naming magtipid parehas.

Nakasarado pa ang ilaw ng pumasok ako at halatang hindi na naman umuwi si Christian nitong mga nakaraang araw.

Sinisumulan na kasi ang Company niya at seryoso siya sa bawat detalye at bawat gamit na gagamitin doon.

Binuksan ko ang TV at nanood ng Toy Story 4 , prente naman akong umupo sa sofa at itinaas pa ang paa.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon