Agad akong tumakbo at naabutan ko si Manang Lena na naglalabas ng basura.
Napahinto ito ng makita akong pababa ng mapansin kong tinitigan ako nito ng mabuti.
"Hi... Manang" bati ko dito at awkward na kumaway.
Nanatili pa rin ang titig nito sa akin.
"Bakit parang namumula ka ata?" inosenteng tanong nito at akmang hahawakan ang mukha ko ng bigla akong lumayo.
"Ok lang po ako..medyo mainit opo mainit" parang tangang pagdadahilan ko.
"Aircon buong bahay ha paanong magiging mainit ? Sira ba ang aircon sa kwarto mo?" nagtatakang tanong pa rin ito.
Halos naramdaman ko naman ang pawis ko sa noo dahil sa kaba kahit totoo namang aircon ang buong bahay.
"Hi Manang " walang hiyang bati ni Christian kay Manang.
Inantay ko ang magiging reaksyon nito dahil sigurado akong magtataka ito.
Pero wala man lang akong nakitang pagkagulat dito ng makita si Christian nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito habang nakitang pababa si Christian.
"Hindi nyo po ko pagagalitan Manang? Kilala nyo po ba yan?" naguguluhan akong tanong dito.
"Sabi eh nobyo mo daw iha mabait na bata ang napili mo" nakangiting sabi nito at kaulaunan ay nagpaalam na din.
Naramdaman ko ang pagsakop ng braso ni Christian sa bewang ko kaya gulat ko siyang naitulak.
Dumiretso ako sa kusina at agad na uminom ng tubig bago siya hinarap.
Nanatili ang ngisi nito habang nakapulsa sa harap ko.
Umupo naman ako para kumain ng bigla itong umupo sa katabing silya ko at nauna pang kumuha ng pagkain.
Agad kong pinalo kamay niya.
"Hey..di naman kita pinapakain" naiinis na baling ko dito.
Agad itong tumingin sa akin at maarteng tinakpan ang bibig na wari mong nagulat.
"Grabe siya ilang minuto palang tayong mag-on pakiramdam ko ina-under mo na ko" kunwaring naiiyak na sabi nito at may pailing-iling pa.
Agad ko naman siyang binatukan dahil sa kalokohan niya.
Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa sala nakasunod lang siya sa akin.
"Bakit parang close na close na agad kayo ng mga tao dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya bago sumalampak sa sofa.
Prente naman itong umupo sa tabi ko at nagdekwatro pa.
"Syempre pa good shot muna ako no" sabi nito at agad na tinuro ang isang paso ng bulaklak.
Mangha akong tumingin sa kanya at nakangisi naman itong nagkibit balikat na wari mong nagyayabang.
Napagdesisyunan namin na umalis pero bago siya sumakay sa sasakyan ay dumiretso muna siya kay Manang para makipag-beso.
"Mag-ingat kayo mga anak" rinig kong sabi nito.
"Babalik po kaming tatlo na Manang" narinig ko naman ang tawa ni Manang.
Malaki ang ngisi na ipinukol sa akin ni Christian bago pumasok sa sasakyan.
Huminto ang sasakyan sa isang beach resort na napuntahan na din namin.
Medyo may tao na ngayon dahil umaga.
Pagkababa niya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at ang kabila naman ay nasa bulsa niya.May suot na din siyang shades ngayon at naka board short na may partner na t-shirt na gray.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
Ficción General(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.