Kabanata 18

118 4 0
                                    

Hindi na sila inabala pa sa ginagawa nilang dalawa at ako na ang nagpresintang maghugas ng pinggan.

Nagulat ako ng biglang pinalo ni Tess ang pwetan ko kaya agad ko siyang nasipa.

May dala itong silver na envelope at iwinagayway sa harap ko.

"Sama ka dito..." sabi nito.

"Ayoko.." diretsong sabi ko at pinunasan ang kamay.

Akma ko na sana siyang lalagpasan ng bigla nitong hinila ang damit ko.

"Sama kana ! " parang batang pagpipilit nito sa akin.

"Para saan ba yan? Marami pa kong gagawin " naiinis na sabi ko dito.

"Next Month pa naman 'to sis " sabi nito at agad na iniabot sa akin ang silver na envelope.

Hindi ko naman ako nag-abala pang tignan yon. Agad akong umakyat sa kwarto ko para mag-ayos at magpalit na ng damit bago bumaba ulit.

Nakita ko na nakakandong na si Cher kay Nik habang si Tess naman ay nakatutok lang sa pinanonood.

"Di pa ba kayo uuwi?" kunwaring naiinis na sabi ko sa kanila.

Sabay ang dalawang tumingin sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

"Di kami matutulog , tinatamad na kong umuwi " sabi ni Tess bago muling itinutok ang sarili sa TV.

Bumaling naman ako kay Nik na kasalukuyang nakatingin pa rin sa akin.

"Dito na lang din ako matutulog.." seryosong sabi nito at muling nilaro ang anak.

Umupo naman ako sa tabi nila at nakisali na din sa mga kalokohan nila.

Pasado alas-diyes ng gabi ng inihatid na ni Nik sa kwarto si Cher , habang kami naman ni Tess ay nanatiling nakatutok sa pinanonood.

"Sheeeet ! Kawawa naman si Dan .." naiiyak na sabi ni Tess.

Naramdaman namin ang pag-upo ni Nik sa couch at agad naman niyang kinuha ang maliit na libro niya.

"Ang tagal mo namang mag-ayos.." nakasimangot na sabi ni Tess pagkababa ko.

"Inayos ko pa anak ko, eh bakit ba nagmamadali ka? Bakit di ka sumabay kay Nikolai?" tanong ko dito habang nilalagay ang hikaw sa tenga ko.

"Ayoko mainit ulo non.." nakasimangot na sabi nito bago nakangusong nauna sa akin lumabas.

Bago ako sumunod sa kanya ay bumalik ako sa kwarto ng anak ko at narinig ko na bibo itong nakikinig sa tutor niya.

Nakangiti ko namang isinara ang pinto noon bago sumunod kay Tess.

Inihatid ko muna si Tess sa tapat ng botique dahil gusto niya daw kumuha ng damit doon.

Marami ng branches si Tess simula noon nagtutulungan kaming dalawa sa paggawa ng mga designs namin mga damit. May pinagagawa na din siyang bagong branch sa Singapore dahil kahit sa ibang bansa ay indemand ang mga gawa namin.

Ako naman ay may branch na sa Korea,Australia at sa Canada , parehas naming natupad ni Tess ang mga pangarap namin , pagkatapos ko kasing manganak ay naisipan naming gawin ito at hindi nga kami nagkami sa desisyon namin.

Pagdating ko sa office ko ay agad kong kinuha kay Nicole ang kinuha niyang sukat para kila Eleanora.

Agad akong nagdrawing ng babagay sa kanya at napagdesyunan na silver backless dress ang igagawa habang kay Colson ay coat lang na gray dahil iyon lang naman ang sinabi niya. Sasabihin ko nalang ng dapat na combination.

Mabilis na dumaan ang oras at nalaman ko lang ulit na Lunch na nang pumasok si Nicole at may dalang pagkain. Agad kong iniwan muna saglit ang ginagawa ko at kumain na.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon