Kabanata 20

132 4 0
                                    

Maaga akong nakauwi sa bahay dahil wala naman kaming masyadong ginawa sa Company ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay narinig ko na agad ang boses ng anak ko.

"Swiper ! Wag kang lalapit ! Swiper Wag kang lalapit ! " sabi nito habang umaatras at naka stop sign pa habang akmang lalapit sa kanya si Nikolai.

Nakita ko na pinipigilan ni Tess ang tawa niya dahil sa itsura ng dalawa.

"Awh Man.." parang tangang sabi ni Nikolai bago tumakbo sa likod ko.

Nakita ko na halos mamatay na sa katatawa si Tess dahil sa ginawa ni Nikolai.

"Pot--- HAHAHAHAHA , Doc? Ganyan kaba?" sabi nito habang tawa ng tawa.

Umalis naman sa likod ko si Nik at kinuha ang unan bago inis na ibinato iyon kay Tess.

Sumakto namang sumapol yon sa mukha niya kaya nagtalo na nama sila , naririnig ko pa ang panggaya ni Tess sa boses ni Nik kaya nakasimangot nanaman ito.

"Mommy ! " masayang tumakbo sa akin ang anak ko ng sinalubong ko naman nang ito yakap.

Kinarga ko siya at umupo kami sa sofa, nakita ko din na nakakalat na laruan.

Agad kong inayos iyon at inilagay sa box na pinaglalagyan non.

"Kanina pa kayo dito?" tanong ko sa dalawa ng magsimula na silang manahimik.

"Yes.." simpleng sagot naman ni Tess habang nakatutok na ngayon sa Cellphone niya.

"Mommy , pwede po ba tayong pumunta sa Mall?" rinig kong tanong sa akin ng anak ko.

"Why po?" tanong ko dito bago muling inayos ang mga laruan niya.

"Hmmm..I want to buy some toys po" nahihiyang sabi nito sa akin.

Agad na nag-angat ng tingin ang dalawa ng marinig ang sinabi ng anak ko.

"Let's go.." aya ni Nik at agad na inayos ang mga libro na binabasa niya.

Agad ko naman siyang binatukan dahil sobrang rupok niya.

"Stop it.." bulong ko dito.

Agad akong humarap sa anak ko na inosente lang namang nakatingin sa akin.

"No toys for now, baby. Kabibili lang ni Tito Nik, last week" mahinahong sabi ko dito.

Nanatili naman ang tingin nito sa akin at malungkot na tumango.
Nanatiling tahimik ang dalawa dahil alam nilang tutol ako sa balak nila, kailangang matutunan ni Thatcher na magtipid lalo na't lumalaki na siya.

"I'm sorry,baby" malungkot na sabi ko dito at hinakawan ang buhok niya at marahan na ginulo iyon.

"It's ok , Mommy" nakangiti nang sabi nito at hinalikan ako sa pisnge.

Kinabukasan ay tanghali na akong pumasok dahil inayos ko pa ang bahay dahil wala si Manang at pansamantala ko munang dinala si Thatcher kay Tess dahil hindi naman daw siya papasok.

Pagkapos ko sa office ay agad kong inayos ang mga nagkalat na beads, diamonds at ilan pang ginagamit ko sa pandesigns. Inayos ko din ang ilang tela. Dito ko na din kasi ginagawa ang paggawa minsan dahil ang hassle kapag pupunta pa ko sa mismong gawaan na nasa 5th floor pa. Tinatamad ako, pero minsan ay dun din ako gumagawa kasi nakaka bored din naman.

Sa kalagitnaan ng pag sketch ng ilang naisip kong bagong design ay tumunog ang cellphone ko.

Agad kong nakita ang pangalan ni Papa doon kaya agad ko iyong sinagot.

"Pa.." bungad ko dito.

"Anak , busy ka ba tommorow?" rinig kong tanong nito.

Tinignan ko naman ang schedule ko na ibinigay ni Nicole sa akin bago ako pumasok kanina dito sa office.

If This Is Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon