Isang buwan ang nakalipas ay hindi ko na muling nakita si Christian, pabor sa akin iyon.
Pagkatapos nang araw na iyon ay lagi ko nalang napapansin na may nakasunod sa akin lalo na kapag kasama ko ang anak ko pero sa tuwing sinusubukang tignan ito ay wala akong makitang tao.
"Mam, I will transfer the call of Mr. Malik to your telephone po.." rinig kong sabi ni Nicole sa intercom na nasa harapan ko.
Agad kong sinagot ang tawag at bumungad sa akin ang mukhang bagong gising na boses ni Kuya.
"Sammy..." mahinang sabi nito sa akin sa kabilang linya.
"...can you drop some papers to Sonder Company personally? I don't know if makakaabot ako sa exact time but I want to go there first
para maagang mapapirmahan" rinig kong sabi nito.
Agad akong napatulala sa narinig parang pamilyar ang Company na iyon.
"Yes, Kuya. Don't worry , iintayin ba kita there? Or hindi na?" tanong ko dito habang inililigpit ang papel na tapos ko na din namang pirmahan.
"No, may bagong bukas na Restau sa tapat non, doon mo ko intayin.." rinig ko ang pagbangon nito at halatang nagmamadali na din.
"...and Sammy, please relax yourself " makahulugang sabi nito at agad na pinatay ang tawag.
Hindi na rin naman ko nagtanong pa at agad na inayos ang sarili ko. Nag retouch lang ako nang make-up at ipinusod ng maayos ang buhok, I'm wearing black lace cami na pinatungan ko nang nude blazer at partner na white jeans plus black bag and nude sandals.
Dumaan muna ako saglit sa office ni Kuya para makuha ang sinasabi niya hindi na naman ako nahirapang hanapin iyon dahil naayos na ni Venice iyon bago dumating.
Agad ko sinet-up sa Waze ang location na sinabi ni Kuya. Sonder Company owns Condominiums, Malls and some international Oil Business, based to my research .
Umabot nang tatlong oras ang biyahe ko dahil sa haba nang traffic papunta doon, pagkadating ko sa parking lot at maingat kong ipinarada ang BMW ko dahil base palang sa mga sasakyan doon ay halatang bigatin ang mga nagtatrabaho dito.
Agad akong pumunta sa front desk para sabihin ang sadya , agad akong hinatid nang isang babae kung saan.
Nanatili akong tahimik habang nakasunod sa kanya.
Kumatok muna ang babae bago dahan-dahang binuksan ang pinto.
Bumungad sa amin ang dalawang matanda na sa tingin ko papalabas na. Diretso ang tingin nila sa akin pero kalaunan ay umalis na din.
"Pasok na po kayo, Mam" magalang na sabi nang babae.
Agad naman akong pumasok at rinig ko din ang pagsara ulit nang pinto. Nakita ko ang lalaking seryosong nakatingin sa akin habang nakahalukipkip , diretso lang ang tingin nito at walang ano mang emosyong makikita.
"Sit down.." malamig na sabi nito.
Agad akong sumunod sa sinabi niya habang mahigpit na hawak ang bag at ang folder.
Nanatili akong tahimik at hindi makatingin sa kanya , kita ko din ang hindi man lang nito pa-iwas nang tingin nang diretso lang akong pinagmamasdan.
"Tingin ko pumunta ka dito for some business, Ms. Del Mundo , hindi para maki-upo " diretsong sabi nito.
Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya at agad na inilapag ang folder na ipinabibigay ni Kuya.
"We need your side about that, you can call Kuya for some questions. I'm here to send that to you personally ,dahil iyon ang utos sakin " pag-amin ko sa kanya dahil baka akalain niya ginusto ko 'to.
BINABASA MO ANG
If This Is Love (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.