6 : Meet my dad

14 1 0
                                    

"Dude, anong number sila Sasa?" Tanong ni France pagdating ng Spikers sa gym. Nagsisimula na ang program at isa isa ng nagpepresent ang mga kasali sa contest na iyon.

"18, last number." Sagot ni Den na sobrang excited na mapanood ang crush na si Sasa. Naalala rin nya ang pustahan nila ni Patrick, excited na syang makuha ang NMax nito.

"Dude, tapos na sila Patrick?" Tanong ni Arman na kararating lang sa pwesto nila. Kasama nya si Pierre na abala sa phone dahil kachat nya ang kapatid.

"Hindi pa dude, si Elise tapos na." Kwento naman ni Den.

Napapawow pa sila sa mga performance ng mga kaibigan ni Sasa. Talagang pinaghandaan nila ang bawat performance nila. Hanggang sa tinawag na ang last performance at literal na nagtayuan ang Spikers nang lumabas mula sa likod ang dalawa.

"Damn!" Sigaw ni France.

"Si Sasa ba yun?" Gulat na tanong ni Den.

"Ang bibig, pakisara." Natatawang sabi ni Arman kay Den habang sinisiko naman si Pierre.

"Relax, just feel the music." Bulong ni Patrick habang nakangiti pagpwesto nila ni Sasa sa gitna. Tumango sya at ngumiti rin dito. At gaya ng napag usapan nilang dalawa, sinimulan nilang ifeel ang music pagsimula ng tugtog.

"Galing, tangina!" Sigaw ni Den.

"Inggit na inggit si gago o!" Biro naman dito ni France.

"Dude, may pahawak hawak pa sa baywang eh!"

"Hahaha! Sure win na yan dude!" Makahulugang sabi ni France kay Den. Nilingon sya nito at inambaan na huwag maingay dahil katabi lang nila si Arman at Pierre.

"Oh my God! Kinabahan ako don!" Sigaw ni Sasa pagpasok nila ulit ng backstage.

"You are great!" At nagulat si Sasa nang yakapin sya ni Patrick. Ito na rin ang nag alis ng pagkakayakap nito sa kanya.

"Ah..ano..salamat sayo, salamat talaga. Pasensya ka na sa sobrang abala na to, thank you talaga."

"Anytime, basta para sayo."

"Girl! Nakakainis ka ginalingan mo na naman!" Sigaw ni Elise.

"Hahaha! Mali mali nga ako eh. Nakakahiya."

"Hindi halata, girl! Ang galing magdala ni Patrick, hindi halata kung ano man yung mali nyo na yun at para ka lang manikang sumasayaw at inihahagis kanina grabe talaga!" Kwento rin ni Pam.

"Sasa girl, nakakaproud! Pwede ka naman pala talagang magbihis at kilos babae, ayaw mo pa nung una. Ituloy tuloy mo na yan ha?" Sabi ni Karen at niyakap pa sya nito.

"Salamat sa inyo. Pasensya na kayo sakin, matigas talaga ang ulo ko. Hehehe."

Bumalik na sila sa pwesto at nakita pa nyang kumakaway sa pwesto ng Spikers si Patrick. Nakita na naman tuloy nya si Pierre. At tama ba ang nakikita nya, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Inisip na lang nyang baka si Patrick na katabi nya ang nginingitian nito.

"And the winner is candidate number...18!"

Sigawan ang Spikers habang napatayo naman si Sasa at Patrick nang tawagin ang number nila. Patakbo pa silang nagpunta sa stage para tanggapin ang certificates nila.

Masayang masaya si Sasa dahil sa pagkapanalo. Maging ang mga kaibigan ay natutuwa rin at niloloko pa syang manlibre naman ng milktea.

"Uhm, Patrick, sa totoo lang hindi ko alam kung paano magpapasalamat sayo. Grabe, parang nung isang araw lang, namomoroblema ako kung paano itatagpos ang p.e., pero ngayon, nanalo pa tayo! Thank you talaga ha, saka sorry naabala kita."

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon