"Audrey, can I ask you a favor?" Kausap sa kanya ni George nang makaalis si Francine.
"Sure. Ano yun?"
"May ipapakita kami sayo dahil alam naming nagtataka kayo kung bakit ganito ang reaksyon namin nang makita kayo, lalo na si Francine. And please, kung pwede sana ay huwag mo muna itong sasabihin kay Francine dahil ayaw naming mabigla sya. Naisip namin na sayo muna sabihin, bago sa kanya."
Umahon ang kaba sa dibdib ni Audrey dahil sa sinabi ni George at maging sa tingin sa kanya ng buong barkada.
"What's that? Kinakabahan naman ako sayo, George."
Iniabot ni George sa kanya ang SLR na hawak nito at nanlaki ang mata nya nang makita roon si Francine at katabi si Mr. Calvan.
"That was taken five years ago."
"What??"
"I know what your thinking." Dugtong pa ni George.
Nilingon nya si Mr. Calvan at seryoso lang itong naghihintay ng sasabihin nya.
"Who is this?"
"She is Sasa, my girlfriend who died in an accident."
"What?? But..kamukhang kamukha sya ni Francine!"
"Exactly." Sagot ni George. "Kaya ka namin kinausap. Sino ba talaga si Francine? Gaano mo sya kakilala?"
Hindi nya malaman ang isasagot. "I..I met her in college, five years ago. That time, kasal na sila ni Tim pero since bata pa sya, they decided not to have a child and prioritize her studies first. I...I don't know kung paano nangyari yan."
"She died five years ago."
"Oh my God!"
"Please, Audrey. If it's okay with you, alamin mo kung sino talaga sya. Yung asawa nya, maybe he knows."
"You know what guys, Tim has been always head over heals to Francine. But Tim is a total playboy kaya nga badtrip tong isa kapag napag uusapan ang asawa nya. Matagal ko na syang kinoconvince na iwan si Tim pero hindi nya magawa dahil malaki raw ang utang na loob nya rito. But don't worry guys, I am with you. Aalamin ko kung bakit may ganito..na may isang babaeng kamukhang kamukha sya."
"Salamat, Audrey." Nilingon nya ulit si Mr. Calvan. Kaya naman pala kung hagurin ng tingin nitong isang to si Francine. Kausap nya sa sarili.
Maya maya at dumating na si Francine at nagpatuloy sila sa kwentuhan.
~~~~~~~~~
Dumaan sila sa birthday party ni Bryan dahil na rin sa kagustuhan na makita sya. Ngayong araw na rin ang flight nila pagbalik nila sa Australia.
"Hi!" Bati ni Pam at kinuha naman nito ang pamangkin.
"Ate Ganda!! I'm glad you came!" Niyakap pa sya nito.
"Of course, happy birthday! I learned that you want to see me. Bakit baby?"
Nahihiya pa ito at nagkakamot ng ulo. 7th birthday nito ngayon at gwapong gwapo ito sa suot na suit.
"Uhm, kasi..crush kita. Hihi. I want to be your boyfriend."
"What??" Natatawang react nya rito.
Narinig naman nyang nagtawanan ang nasa paligid pati ang parents ni Bryan.
"Honey, Ate Ganda is much older than you." Natatawang sabi ng mommy ni Bryan na kapatid ni Pam.
"I know! But I don't care, Ate Ganda will wait for me to grow up, right Ate Ganda?"
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomansaAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)