"Pwede ka na bang kausapin ng matino, Francine? Hindi ka na ba maghyhysterical?" Natatawang tanong nya kay Francine habang pinatutuyo nya ang buhok nito. Nakaupo sya sa single couch habang kalong naman si Francine na parang baby na nakasiksik pa ang ulo sa leeg nya. Pareho lang silang nakabathrobe at para silang nasa isang eksena sa honeymoon ng mag asawa.
Narinig nyang natawa si Francine sa tanong nya. "Hysterical?"
"Oo, hysterical. Earlier, you are such a hysterical brat shouting on me and accusing me of things that I don't even do and understand. Naglalambing ka lang pala sa akin, hindi mo pa kaagad sinabi." Nakangiting sabi nya.
Matapos ang ginawa nila sa loob ng cr ay kumuha sya ng dalawang bathrobe na nasa closet sa loob ng banyo at sya na ang nagsuot kay Francine bago nya isuot ang sariling bathrobe. Binuhat nya ito at para naman itong batang sumiksik pa sa leeg nya.
"Sorry.." bulong ni Francine. Hinalikan nya ang buhok nito na malapit na nyang mapatuyo gamit ang towel.
"It's okay. Next time don't get too drunk like that. Ang kulit kulit mo kapag nalalasing ka. Di ba sabi ko sayo bawal sayo ang alak?"
"Sabi mo? Pero..wala akong matandaan.." malungkot na sagot nya.
"Oops! Oo nga pala. Sorry, love." Hinalikan nya ulit ang buhok nito at lalo naman itong sumiksik sa kanya na parang baby.
"Do you think..do you think I am the Sasa that you are talking about? What if hindi? What if nagkataon lang ang lahat?" Alalang tanong nito sa kanya.
"My heart feels that it is you. Aside from the investigator proves that Tim did a very dirty game five years ago."
"Paano?" Tanong ni Francine nang mag angat ito nang ulo para salubungin ang tingin nya. Hinawakan nya ang pisngi nito at bahagyang pinisil.
"Aside from this beautiful face, I once again saw the magnetic effect on me to you."
"Magnetic effect?" Takang tanong nito.
"When I step closer to you, you step back. Si Arman, sabi nya para raw tayong magnet na dalawa noon. Kasi, tuwing lalapitan kita, aatras ka." Nakangiting kwento nya rito habang naaalala ang mga panahon na ganoon pa sila ni Sasa.
"Really? Sorry..hindi ko alam kung gagaling pa ako."
Niyakap nya ito at muling ikinulong sa leeg nya. "It's okay. Even if it's a long way process, gagawin ko ang lahat, ipapaalala ko sayo lahat Francine..my Sasa. Shit, I don't know how I would call you now. Pwede bang love na lang?" Nakangiti sya habang hawak pa rin ang buhok ni Francine.
"Love?" Nag angat ulit ito ng mukha sa kanya.
"Yes, love. That's how I call you way back then." At hindi nya napigilang halikan ito dahil sa nakaawang na labi nito sa harap nya. Malaya naman itong tinugon ni Francine.
~~~~~~~~~~
We make love, over and over. Kausap ni Francine sa sarili nang magising sa sariling kama. Nagbalik sa isip nya ang nangyari sa cr, sa couch kung saan habang kalong sya ni Pierre at sa kamang iyon. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ni Audrey eh, fifty shades with Christian Grey!
Maliwanag na nang hayaan syang makatulog ni Pierre. Bago pa sya mawalan ng malay ay nakita pa nya ang mga ngiti nito habang hinahalikan ang labi nya.
Shit! Sobrang kilig ko yata ngayon! Daig pa namin ang naghoneymoon sa ilang rounds na yun! Ayy!
Pero nalaman nyang mag isa na lang sya sa kama nang umagang yun. Marahas syang napabangon at nalaman nyang wala pa rin syang suot na kahit na anong saplot sa katawan. Tanging kumot lang ang ngayon ay nakabalot sa katawan nya.
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomanceAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)