38 : Migraine

19 1 0
                                    

"Love..wake up." Narinig ni Francine ang boses ni Pierre at naramdaman nya ang palad nito sa pisngi nya. Marahan syang dumilat at napangiti sya nang dampian sya ng halik nito sa labi. Naamoy nya ang pinaghalong natural scent nito at sabon nya at nakita nyang basa pa ang mahaba nitong buhok.

"Did I fall asleep?" Tanong nya kay Pierre habang pinagmamasdan itong magbihis.

"Yes, love. Bangon ka na, gutom na ako. Tumawag si mommy, nagluto raw sya, let's go home."

"Ha? Teka anong oras na ba?" Iginala nya ang mata at pilit hinanap ang phone nya.

"It's already 11am, love. I'm sure gutom ka na rin, mamaya ka na ulit matulog. Yayayain sana kitang sabay na tayong maligo kaso ang bilis mo namang nakatulog kanina. I got your weakness." Sabi nito sabay tawa ng nakakaloko.

Binato nya ito ng unan at sinalo lang ito ni Pierre habang tawang tawa sa ginawa nya. Hinila nya ang bathrobe na nasa sahig at pumasok na ng cr pagkasuot non.

Pagpasok nya nang cr ay hindi nya mapigilang mapangiti. Hindi pa man ay miss na miss kaagad nya ang mga yakap ni Pierre, kahit nasa labas lang ito ng cr nya.

Lord, sana po magbalik na ang alaala ko. Gusto ko ng mahalin si Pierre gaya ng dati, gaya ng sabi nya. Gusto ko ng maging masaya ng totoo, sa piling ng mga totoong nagmamahal sa akin.

Mabilis syang naligo at napangiti sya nang maabutan si Pierre na gwapong gwapong nakaupo sa single couch habang abala sa phone nya. Nakangiti rin ito at kitang kita ang kaligayahan sa gwapo nitong mukha.

Lumapit ito sa kanya at niyakap ang baywang nya mula sa likod at ipinatong ang baba sa balikat nya. Naalala nya nang biglang sumakit ang ulo nya nang minsang gawin iyon ni Tim sa kanya, alam na nya ngayon kung bakit. Si Pierre pala ang gumagawa non talaga sa kanya.

"I want to see the necklace, the one that you found on Tim's stuffs." Bulong ni Pierre na nagpalaki ng mata nya.

"How do you.."

"You told Audrey, I heard you. Where is the necklace? I want to see it. I want to see if it is a necklace with LOVE pendant and has a lot of diamonds."

"Oh my God!" Natukop nya ang bibig sa sobrang gulat.

"I am the one who gave that to you."

Nakipagtitigan sya kay Pierre bago nya napagdesisyunang kunin ito sa pinakailalim ng luggage nya. Kinuha nya ang folder at isang maliit na pouch kung saan nya inilagak ang kwintas at ang singsing nya.

Takang kinuha ni Pierre ang folder at binuklat yun.

"Tangina!" Sigaw nito at ibinagsak ang sarili sa couch. Nalipitan nya ito at gaya ng dati ay kinalong sya nito at sabay nilang ibinalik ang tingin sa laman ng folder na iyon.

"I found that in Tim's stuffs. Nakita ko yan while looking for documents bago kami pumunta rito. And when we went back to Australia, I luckily heard him talking to Bricks, his friend na hindi ako makapaniwalang alam ang sikreto nya. That's when I realized that I really have to find this folder dahil ito ang sagot sa mga tanong ko."

"How did you find this?" Seryosong tanong ni Pierre.

"I put sleeping pills on his coffee. I found that folder on his office, kasama ng necklace at ng ring na ibinalik ko sa kanya."

Binuksan nya ang pouch at inilaglag sa palad nya ang kwintas at singsing.

"Oh my God! That's our wedding ring!"

"Wedding ring?" Sya naman ang nagtaka sa sinabi ni Pierre. At napasinghap sya nang itaas nito ang kaliwang kamay at saka lang nya napansin ang singsing na suot nito na kamukha ng singsing na hawak nya ngayon.

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon