Magkasabay na gaganapin ang birthday at binyag ni Arielle base na rin sa hiling ni Sasa para isang handaan na lang daw. Pero wala syang nagawa nang malaman ang plano ng asawa na isang engrandeng selebrasyon ang gaganapin sa birthday at binyag ng anak.
Tuwang tuwa naman si George sa ginawang photoshoot para sa birthday ni Arielle. Ginanap ito sa isang resort sa Batangas at may theme na Little Mermaid.
"Manang mana ka sa mommy at daddy mo, model na model!" Kausap pa ni George kay Arielle habang masayang kinukuhanan ang bata. Todo costume pa ito na binili ni Sasa para sa anak. May event coordinator sila pero hands on pa rin sya sa details ng gaganaping birthday ng anak. Sumasama pa sya mismo sa mga coordinators sa pamimili ng mga kakailanganin sa event.
"Sis!"
"Tit!" Sigaw din ni Arielle nang salubungin nilang mag ina si Audrey.
Doon tutuloy sa bahay nila ang bestfriend nyang si Audrey dahil isa ito sa magiging ninong/ninang ni Arielle.
"Hahaha! Hey pretty girl!" Kinuha ni Audrey kay Sasa si Arielle at tuwang tuwa naman ito nang buhatin nya.
"Tit!" Ulit nito.
"Yes, sis? Paglaki mo, sis din ang tawag mo sakin?" Natatawang tanong ni Audrey.
"Po, tit!" Sagot ni Arielle.
"Hahaha! Anak, ask Ninang Audrey kung ano ang pasalubong nya sayo."
"Bong?" Tanong nito na nakalahad pa ang kamay at nagpapuppy eyes pa.
"Hahaha! Ang cute mo naman, iuuwi na kita sa Ausie kasya ka sa maleta ko!"
"Gusto mong katayin ka ni Pierre? Hahaha!"
"Kapag nawala si Arielle, ikaw kaagad ang pagbibintangan ko!" Sigaw ni Pierre habang pababa ng hagdan.
"Hi! Ang hot daddy naman nito! Nakakainis ka sis bakit lalong gumagwapo ang asawa mo, anong sikreto?"
"Hahaha! Sikreto nga eh, bawal kong sabihin." Natatawang sagot ni Sasa.
"Taaa!!!" Sigaw ni Arielle sabay sampal kay Audrey.
"Po!! Ay sus marahas pala tong inaanak ko, kanina ba nagmana to ha?"
"Ha!" Ulit ni Arielle sa sinabi nya at napuno ng tawanan ang sala dahil sa kakulitan ng magbibirthday na bata.
Nagulat pa si Audrey nang abutan ni Sasa ng bote ng dede si Arielle pagpasok nila ng kwarto at kusa namang nahiga ang bata sa gitna ng kama nila.
"Wow! Very good ah, ganyan sya talaga?" Tanong ni Audrey kay Sasa habang inaayos ang unan at stuff toys sa paligid ng kama.
"Oo, sis. Mabait yan. Mamaya tulog na yan. Tara dalin na natin sa kwarto mo ang mga gamit mo."
"Eh paano si Arielle? Baka mahulog?"
"Hindi yan, makita mo."
Sumunod naman si Audrey kay Sasa at tumungo na ng guest room.
"Feel at home, sis. Sabihin mo lang kapag may kailangan ka ha? Namiss kita." Sabi ni Sasa sa kaibigan at niyakap pa ito sa likod.
"Ano ka ba! Namiss din kaya kita! Mas lalo ka pang sumexy nang ipanganak mo si Arielle, blooming na blooming palibhasa laging nadidiligan! Hahaha!"
"Hoy ano ka ba! Hindi na nga gaano eh, katabi kasi namin si Arielle sa pagtulog. Hihi!"
"Edi sa shower room, parang yung first time nyo ganon! Hahaha!"
"Hoy!! Huwag ka ngang maingay hindi alam ni Pierre na sinabi ko sayo ang tungkol don, patay ako don! Hahaha!"
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomanceAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)