35 : Bossy

23 1 0
                                    

Hinilot pa ni Francine ang likod nang magising. Pag alis ni Pierre ay kumain sya at nakaramdam sya ng ginhawa. Nagshower sya at saka nahiga. Hindi nya ngayon malaman kung gaano sya katagal natulog dahil parang maliwanag pa rin sa labas na natatanaw nya mula sa bintana ng kwarto nya.

"Shit! 6am?" Gulat na kausap pa nya sa sarili nang makita ang oras sa phone nya. Mahigit 12 hours syang tulog, ibig sabihin. May mga messages din doon ang bestfriend at si Pierre.

"Hello, sis!"

Sis! Bakit ba ngayon ka lang ulit tumawag? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Sabi lang ni Christian Grey nasa condo ka raw at nagpapahinga kaya lang ako kumalma.

"Christian Grey?"

Si Mr. Calvan ano ka ba!

"Audrey!"

Hahaha! Sis may chika ako sayo! Tinawagan ako ni Timothy, hinahanap ka. So ang ginawa ko, nagpanggap akong nagulat din at naglayas ka. Sabi ko na lang sigurado nasa mga kalapit na city ka lang at make sure kako na babalitaan sya kapag kinontak mo ako.

"Salamat sis. Hayaan mo sya, sabi mo nga mahahanap din ako non kahit anong gawin kong tago. Pero bago mangyari yun, kailangan ko munang malaman ang ibig sabihin ng laman ng folder na iyon, pati yung necklace."

Naku itago mong mabuti yan, sis. Malamang this time alam na rin nyang nawawala ang folder na yan, at malamang may idea na rin sya na may kutob ka na sa tunay mong pagkatao.

"Kinakabahan ako sis, feeling ko si Pierre at ang mga kaibigan nya ang makakasagot ng mga tanong ko. Pero nahihiya pa ako silang tanungin, hahanap pa ako ng tyempo."

Huwag ka ng lumayo, si Christian mismo ang tanungin mo.

"Christian ka dyan."

Narinig nyang may nagdoorbell.

I have to go, chat mo ako kung ano ang balita ha. Take care sis.

"Okay, sis. Salamat, take care."

Inayos nya ang sarili at sinilip muna kung sino ang nasa pinto. Kinabahan sya nang makita si Pierre na nakayuko habang may ginagawa sa phone nya.

"Good morning!" Nakangiting bati nito nang buksan nya ang pinto.

Shit, nakakagood talaga ng morning ang kagwapuhan ng isang to.

"Ah, hi. Ang aga mo naman?" Napansin nyang nakapangworkout ito.

"Jog tayo? Nag off ako sa work to check on you."

"Ha? Bakit mo naman ginawa yun?"

"Basta." Seryosong sagot nito sa kanya.

"Ah, eh pumasok ka muna, nagbreakfast ka na?" Niluwangan nya ang bukas ng main door at nauna na itong pumasok sa unit.

At home na at home ha?

Naupo ito sa couch at ibinalik ang atensyon sa phone. "Hindi pa ako nagbreakfast, sabay na tayo after nating magjog."

"Ha? Pumayag na ba ako?" Pinipigilan nya ang tawa sa sinabi nito.

Nagulat pa sya nang mag angat ito ng ulo.

"Di ba nga, I don't take no for an answer."

Tinaasan nya ito ng kilay at inirapan. Mas matigas pa pala ang ulo nito kaysa sa kanya. Nakahanap ata sya ng katapat, sa loob loob nya.

"Stop staring me like that, alam kong gwapo ako."

"Aba? Kapal.." bulong nya at saka namaywang.

"At pwede ba? Magbihis ka na, baka magbago pa ang isip ko at magstay na lang dito sa unit mo."

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon