"Audrey, ikaw na lang kaya ang magmodel, kaya mo na yun, out na ako dyan." Inirapan ni Francine ang bestfriend habang sabay na nag uumagahan kinabukasan. Sinabi kasi nito na maaga syang tinawagan ni Mr. Calvan nang umagang yun na kinukumbinsi sya nitong papayagin sya sa offer nito.
"Sis, alam mo namang ikaw ang bet ng Mr. Calvan na yun."
"Bet?"
"Bet! Nakita mo naman siguro kung paano ka titigan ng Mr. Calvan na yun noh? His eyes are carresing the whole you."
"Carresing? Baka hinuhubaran ang sabihin mo! Napakabastos! Bigla na lang nanyayakap tapos nakita mo naman sa mismong working table pa nya pinasasampa yung babae nya! During office hour on his own office table! My gosh how gross!"
"Hahaha! Kung ganon naman kagwapo ang mambabastos sa akin, keri! Hahaha!"
"What? You're unbelievable, Audrey. Saka pwede ba tigil tigilan mo na nga ako kakapush sa Mr. Calvan na yun, may asawa na ako noh."
Uminom ito ng tubig bago na naman sya hiniritan.
"Ganda mo? Pumayag ka na kasi, choosy ka pa! Mukhang kikita tayo ng malaki rito sis, sayang naman."
"Ewan ko sayo, sis. Umuwi muna tayo ng Ausie, hahanapin ko pa yung file folder na nakita ko before. Feeling ko talaga may something sa laman non na hindi ko maintindihan. Saka na lang tayo bumalik dito ulit."
"Aruuuyy..so payag ka na? You can't resist Mr. Calvan din naman pala ha? Kunwari ka pa. I know you well, sis. Sayang nga lang at hanggang fling lang ang pwede nyong gawin."
"Fling? My God Audrey naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Uminom sya ng tubig dahil parang natutuyuan sya ng lalamunan sa sinasabi ng bestfriend.
"Oo! Kasi naman girl taken ka na po, eh paano kung ipush ka nung Mr. Calvan na yun? Kakayanin mo kaya? Baka mamaya sya pa ang magparanas sayo ng fifty shades of gray! Ayyyyy!"
Binato nya ng balat ng orange si Audrey. "Audrey stop it! Napakarami mong alam, panay kabastusan pa! Hay nako!"
"Hahaha! I know! Malay mo naman!"
"Tingnan mo ayaw pang tumigil talaga! Dyan ka na nga, makapagjogging na lang."
"Ay, baka naman lalo ka ng sumexy nyan sis! Ako inaantok pa, it is still 5am kaya matutulog na lang ulit ako. Nagising lang ako dahil sa tawag ni Mr. Calvan. Huwag kang lalayo sa building ha?"
"Kasalanan mo, ang aga mong nag ayang kumain. Dyan ka na nga."
Iniwan nya ang bestfriend at nagbihis ng damit na pangjogging. Hindi pa sya nakakaisang ikot sa palibot ng building nang biglang may bumusina sa kanyang isang pulang kotse na sobrang ikinagulat nya. Naalala nya ang panaginip na may nasagasaan.
"Ay shit!" Marahas nyang nilingon ang bumusinang kotse at taas kilay na kinilala ang driver. Lalo lang syang nainis nang makilala ito.
"Good morning, Francine."
Inirapan nya si Mr. Calvan at alam nyang kagagawan na naman ng bestfriend nya kung bakit nandoon ngayon ang taong kinaiinisan.
Nagsimula ulit syang tumakbo at ikinabit ang airpods na kunwari ay walang nangyari. Maya maya ay nagulat sya nang tabihan sya nito. Ngayon lang nya napansing nakapangjogging din ito. Lumingon sya sa likod at nakita nyang nakapark na ang kotse nito. Inirapan nya ulit si Mr. Calvan nang makita nya itong ngumiti sa kanya.
"Ang aga aga ang sungit mo." Sabi nito na nagpataas ng kilay nya. Patuloy pa rin sila sa pagtakbo.
"What are you doing here, Mr. Calvan?"
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomanceAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)