"Papa, mama, kamusta na po kayo? Sorry po hindi ko kayo nadalaw ng matagal. Ang ganda ganda na ng bahay nyo ah?" Kausap nito sa mga lapida ng magulang pagkatapos magsindi ng kandila at ilapag ang bulaklak.
Ipinagawa ni Pierre ang museleo para sa magulang ni Sasa at sa pag aakalang mga abo nya na ngayon ay naipatanggal na rin ni Pierre at ipinasama sa katawan ni Tim nang ibyahe ito pabalik ng Australia dahil ang abong iyon ay ang tunay na asawa nito na si Francine.
Katatanggap lang din ni Sasa ng email mula sa lawyer ni Tim na nakasaad daw sa last will and testament ni Timothy Clark na ipinapangalan sa kanya ang 60% ng yaman nito at ilang properties nito sa Australia kabilang ang bahay na tinirhan nila roon at ang 40% naman ay sa mga stockholders nito sa pinatatakbong kumpanya. Laking gulat ni Sasa dahil taon na raw ang nakalipas matapos ipagawa ni Tim ang testamentong iyon pero Ayessa Dela Rosa ang pangalan na ipinalagay nito sa halip na pangalan ng totoong asawa nito.
"Nakalimutan ko kayong lahat, pero nandito na ulit ako. Sana hindi kayo galit sa akin, papa mama. Mahal na mahal ko kayo. Ngayon magpapakasal na ako, mas masaya sana kung nandito kayo pero alam ko, lalo ka na papa na masaya ka dahil si Pierre ang napili kong pakasalan."
Tuluyan ng bumalik ang alaala ni Sasa matapos syang dalhin ni Pierre sa mga lugar na napuntahan na nila noon. Natatawa na lang si Sasa dahil naalala nya nang ikasal sila ni Pierre sa Bonifacio University at si Mr. Reyes mismo ang nagsilbing pari sa kanilang kasal. At nabatukan naman nya si Pierre nang maalala nyang tinakot sya nito sa palaka nang bumalik sila sa ihawan na pinuntahan nila nung minsan.
"You are so beautiful, sis!" Sabi ni Audrey na sumama rin sa pictorial nila ng entourage. Gusto sana ni Pierre ng engrandeng kasal pero pinili ni Sasa ang simpleng beach wedding na sinang ayunan na rin ni Pierre bandang huli.
"My goodness! Hindi ko kinaya ang presyo ng gown mo, sis! Ibinulong sa akin ni Richard kanina."
"Hmm? Talaga?" Takang tanong nya dahil hindi nya alam ang presyo ng gown nya dahil ito raw ang regalo sa kanya ni Pierre kayat si Pierre mismo ang nakipagtransact kay Richard Jones sa ipinasadya nyang gown para sa mapapangasawa.
"300 hundred thousand pesos."
"What?? Aba talagang..sabi ko sa kanya huwag ng gumastos ng malaki sa gown, my God!"
"Hahaha! Baliw ka ba? Syempre mahal na mahal ka nung tao kaya kahit ubusin non ang kayamanan mabigyan ka lang ng maganda at masayang kasal. Sis, ang swerte swerte mo kay Pierre, at syempre swerte rin naman sya sa dyosa nyang asawa na super duper achiever pa!"
"Thank you, sis." Niyakap nya ang bestfriend.
"Kinakabahan ako kapatid." Bulong ni Sasa kay Karen habang inaayos nito ang ladlaran ng gown nya.
"Bakit naman kapatid? Smile, ang ganda ganda mo lalo ngayon. This is your day." Nakangiting sabi nito sa kanya.
"Kahapon pa kasi kami hindi nagkikita ni Pierre, baka mamaya hindi nya ako siputin sa kasal namin."
"Hahaha! Baliw ka talaga! Nandoon na sya ngayon, ikaw na lang ang hinihintay nilang lahat. Let's go?" Yaya nito sa kanya at nagpunta na sila sa dulo ng aisle. Si Audrey ang magsisilbing guardian nya na maghahatid sa kanya sa altar.
~~~~~~~~~~
"Dude, kinakabahan ako." Bulong ni Pierre na panay pa ang punas ng pawis habang hinihintay si Sasa na magpunta sa dulo ng aisle.
"Dude, relax. Ngayon ka pa talaga kakabahan?" Natatawang tanong ni Arman na nagsisilbi nyang bestman.
"Ewan ko nga ba dude, ganito pala ang feeling na naghihintay sa bride nya hanoh? Parang volleyball finals din."
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomansaAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)