Isang araw ay naglalakad mag isa si Sasa papuntang Science laboratory. Napahinto sya nang maulinigan ang pamilyar na mga boses.
"Eh duwag ka naman pala eh! Anong itigil ang pinagsasasabi mo?"
"Hindi ako duwag! Baka ikaw! Ibigay mo na sakin yang sportscar mo dahil nararamdaman ko, ako na ang gusto ni Sasa kaya back off! Itigil na natin to dude!"
Nagulat sya nang marinig ang sariling pangalan. Nagtago sya sa posteng malapit sa mga nag uusap at tama sya, si Den at Patrick iyon.
"Ulol! Sa akin sya! Akin na ang NMax mo!" At narinig nyang sinuntok ni Den si Patrick kayat napilitan syang lumabas ng pinagtataguan.
"Tama na yan!"
"Sasa??" Sabay na tanong nito. Nagulat sya nang makitang duguan na ang parehong mukha nito.
"Ano bang ginagawa nyo, bakit kayo nag aaway?"
"Girl!! Oh my God! What's happening here?" Takang tanong ni Karen nang abutan sya nito.
Akma na namang magsusuntukan ng dalawa pero pinagtigisahan nila ni Karen ang pag awat sa mga ito.
"Sabi ng tama na eh! Ano ba!" Sigaw nya at natigilan ang dalawa sa pagsigaw nyang iyon.
"Gago ka Patrick! Ikaw ang nagsimula nito!"
"Mas gago ka!"
"Ano ba?? Sige, magpatayan kayo! Huwag kayong tumigil sige! Akala ko magkaibigan kayo? Bakit ba kayo ganyan?"
Takot na takot si Sasa dahil talagang galit ang mga ito sa isat isa.
"Patrick, stop it please." Bulong ni Karen.
"At ano yung narinig ko na yun, Patrick?" Nilapitan nya ito. Hindi ito makatingin sa kanya. Nanginginig sya nang maramdaman ang sariling galit. "Tumingin ka sakin, Patrick! Ano yun? Anong sportscar?"
Tumalikod sya para tingnan si Den. Nakayuko lang ito at nag angat lang ng ulo nang humarap sya rito.
"Den..ikaw? Ano ang mapapala mo kapag ikaw ang nagustuhan ko? NMax? Ha!"
"What? Ano to?" Nalilitong tanong ni Karen.
Itinaas ni Sasa ang mga kamay at inihawak sa ulo dahil parang sasabog iyon. Nararamdaman na rin nya ang pag iinit ng mga mata nya dahil parang babagsak na ang mga luha nya anumang oras.
"Talaga ba? Teka tama ba ang mga narinig ko? Ha? Patrick, Den? Bakit ayaw nyong magsalita? Bakit? Totoo ba?"
"Sorry.." narinig nyang sabi ni Patrick.
"So totoo nga..totoo ngang pinagpupustahan nyo akong dalawa?"
"What??" Sigaw ni Karen.
"Sasa, let me explain. Sorry, pero totoong gustong gusto kita." Pinilit abutin ni Den ang kamay ni Sasa pero mabilis nya itong iniiwas. Hindi sya makapaniwala sa nangyayari.
"Pinaglaruan nyo akong dalawa? Pero bakit? Anong kasalanan ko sa inyong dalawa, Patrick? Den? Anong nagawa ko sa inyo para gawin nyo sa akin to?"
"Sasa.." hinawakan ni Karen ang mga balikat ni Sasa dahil nakita nya itong parang hinahabol ang paghinga.
"I am asking Den to stop this. I just realized na mali ito. Sasa, I am so sorry. Pero..totoong nagugustuhan na kita, kaya gusto ko ng tumigil."
"Isa ka pa! Magsisinungaling ka pa rin kahit huli ka na, Patrick? So Teffy must be right. Dapat talaga una palang inilayo na namin si Sasa sayo, sa inyong dalawa. How sure are we that you really like Sasa when all you know is just to play! How dare you!" Sigaw ni Karen kay Patrick at Den. Si Sasa naman ay nanginginig at naguunahang tumulo ang mga luha sa mata.
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomanceAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)