"What's that?" Tanong ni Pierre.
Gulat na gulat ang Spikers nang matanaw sa malayo ang apoy sa di kalayuan.
"May sumabog?" Tanong din ni Arman.
Pabalik na sila sa cottage nila. Naglalakad sila sa gilid ng dalampasigan nang mahagip ng mata nya ang isang pamilyar na bagay na nasa gilid ng mga bangka.
"Pierre, bakit?" Tanong ni Arman sa kanya nang lapitan nya ang bagay na iyon na bahagyang natatamaan ng ilaw.
Nanlaki ang mga mata ni Pierre at umahon ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang pinulot na bagay.
"Shit!!"
Nilingon nya ang nakita nilang pagsabog sa dagat na ngayon ay dinadaluhan na ng mga tauhan ng resort.
"Kay Sasa ang cap na ito!"
"Ano? Teka oo nga. Pero bakit..shit!" Sabi rin ni Arman at nilingon din ang dagat.
Nawala ang lasing ni Pierre at mabilis na tumakbo papuntang cottage ng mga girls. Nagulat pa ang mga ito nang marahas na buksan ni Pierre ang pinto.
"Pierre! Bakit?"
"Where is Sasa?"
Nilingon ni Karen ang bed nito at wala si Sasa roon. "Teka, kanina lang nandito sya at natutulog. Teka bakit ba Pierre? Bakit ka ba humahangos?"
Nagbangunan sila sa kama at nilapitan naman ni Pierre ang mga gamit ni Sasa. Wala rito ang cap nya, pati ang jacket nya. "Kay Sasa nga ito dude." Alalang sabi nya kay Arman nang lumapit ito sa kanya.
Nilingon ni Pierre ang side table sa kwarto ng mga girls at nakita nyang may papel na nakapatong doon.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Pierre nang umakyat ang kilabot sa buong katawan nya nang mabasa ang nakasulat doon.
Karen, lalabas lang ako. Hahanapin ko lang si Pierre, hindi pa kasi sya nagtetext kung nakauwi na sila sa cottage nila. Nag aalala ako sa kanya. Hindi na kita gigisingin, parang ang sarap na ng tulog mo eh. -Sasa
"Damn it!" Sigaw ni Pierre sabay takbo palabas ng cottage. Lahat sila ay bumalik ng dalampasigan at nagkakagulo na roon dahil nandoon na ang rescue team.
"Ano bang nangyayari?" Alalang tanong ni Karen kay Arman.
"Karen, napulot ni Pierre ang cap ni Sasa dito malapit sa mga bangka. Tapos..shit huwag naman sana..pero may sumabog doon sa bandang gitna ng dagat, parang bangka na..shit!" Halata ang takot kay Arman at maging si Karen ay mangiyak ngiyak sa kwento nito.
"Sasa..hindi pwede.." bulong ni Karen.
Nakita nila si Pierre na pinuntahan ang gawi ng rescue team na bumababa sa mga bangka nito.
"Sir, sir ano po ang nangyari don? Uhm..may hinahanap po kasi kaming babae..wala po sya sa cottage nya at.."
Nilingon sya ng isa sa rescue team. "Sumabog ang makina ng bangkang yun kaya nagliyab ang bangka, nag overheat."
"What??"
"Pierre..Pierre halika muna rito." Hinila sya ni Arman palayo sa rescue team. Nagkakagulo ang mga tao na gustong makaisyoso sa pagdating ng team na iyon.
"Excuse me, may hinahanap kayong babae?" Biglang tanong ng isang may edad na babae sa grupo nila Pierre.
"Yes. I am looking for my wife." Sagot ni Pierre sa kausap.
"May natanaw ako kanina, babae galing sa cottage na yun." Sabay turo sa mismong cottage nila Sasa at napasinghap si Karen sa ginawang iyon ng babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/220109841-288-k722727.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomanceAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)