44 : Kit

19 1 0
                                    

"Dude, happy birthday!"

Masayang binati ng Spikers si Pierre pagdating nito nang gabing iyon sa bahay nila. Nagpasalamat naman syang naging abala ito sa pakikipagbonding sa mga kaibigan dahil nakakapuslit sya ng punta sa banyo dahil nagsusuka na naman sya.

"Kapatid, parang ang payat mo ngayon?" Tanong ni Karen habang kumakain ng fruit salad. Sarap na sarap ang mga kaibigan sa gawa nyang fruit salad pero sya ay hindi man lang ito tinikman dahil parang nasusuya sya.

"Uhm, talaga ba kapatid? Parang hindi naman? Ikaw nga eh parang hindi nanganak, pati itong si Elise." Natatawang sabi nya.

May mga babies na rin kasi ang mga kaibigan at masaya sya sa bagong phase ng buhay ng mga ito bilang mga maybahay at masaya rin sya dahil nakakarelate na sya sa mga chikahan ng mga ito kapag nagkikita kita sila, maliban lang na wala pa syang maishare na kwento sa mga ito sa pagiging bagong ina.

Naexcite ang isip nya dahil alam nyang maging ang mga ito ay masusurpresa sa hinanda nyang regalo para sa asawa.

"Medyo tumaba pa nga ako ng lagay na to eh. Hiyang ganon. Haha!" Natatawa pang kwento ng kaibigan.

Nagsalusalo sila sa hapunan at may mga paandar pa silang regalong song at dance number para kay Pierre na ikinatuwa naman ng asawa nya.

"Ikaw, kapatid? Wala bang sexy dance para sa Captain Calvan ngayon? Yung parang ginawa mo nung wedding nyo?" Tanong ni Karen kay Sasa.

"Uhm, actually may gift ako kay Captain Calvan, pero hindi sexy dance. Hahaha!" Sabi nya at hinila si Pierre sa harap ng mga bisita at kita nya ang pagtataka ni Pierre sa mukha nito.

"First of all, happy happy birthday, love." Panimula nya na nagpangiti kay Pierre.

"Thank you, love." Sagot nito pero halata pa rin ang pagtataka nito.

Pigil ni Sasa ang matinding hilo at alam nyang namumutla na sya dahil sa pagpipigil na masuka. Pero excited syang ipabatid sa lahat ng mahal sa buhay na ngayon ay kasama nila ang napakagandang balita.

"I know nowadays madalas kitang masungitan at alam kong nagtataka ka at nagiging stress, kaya sorry, love. Sorry rin kasi meron akong itinago sayo kahit alam kong ayaw mo ng secrets between us. I want to make it up to you, love."

"It's okay, love. Anong secret?" Nakangiting sagot ni Pierre na akala ay tapos na syang magsalita.

"This is my birthday gift to you, love. I hope you'll like it."

Inabot nya ang isang maliit na pouch at tumingin pa si Pierre sa audience nila bago ilalag sa palad ang laman ng pouch na yun. Naglapitan naman ang barkada at ang pamilya nilang dalawa nang ireveal ni Pierre ang regalo sa kanya ng asawa.

"Oh my God!!" Sigaw nito nang marealize na hawak nya ang tatlong pregnancy kit na puro positive ang resulta. Nilingon sya ni Pierre at nginitian nya ito ng napakatamis.

"Happy birthday, daddy Pierre. Surprise! Your birthday wish just came true!"

~~~~~~~~~~

"Wow!!!" Sigawan ng audience nila at hindi kaagad makapagsalita si Pierre sa matinding pagkabigla.

"Magiging...magiging daddy na ako, love?" Nanlalaki pa ang mata nya sa nakangiting si Sasa.

"I think so." Sagot naman ni Sasa.

"Woooohhh!!" Binuhat nya si Sasa at iniikot at tawa naman ng tawa ang lahat sa ginawa nya. "Magiging daddy na ako!!"

"Love! Ibaba mo ako nahihilo ako!" Sigaw ni Sasa kayat ibinaba sya ni Pierre at hinawakan ang mukha ni Sasa.

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon