40 : Bullets

20 1 0
                                    

Iginala ni Francine ang mata pagpasok nila ng resort. Hindi nya mapigilang pilitin ang isip na alalahanin ang nangyari nang gabing iyon.

"Audrey is coming. He messaged me."

"Hala? Is true?"

"Yes, love. Sabi ko nga ipapasundo ko sya sa airport pero huwag na raw. Sa cottage ka muna, matulog ka. Parating na rin sila Karen at sila Arman."

"How about you?" Tanong nya kay Pierre.

"Don't think about me, basta magpahinga ka muna habang hinihintay natin sila, ha?"

Habang nasa cottage ay isa isa namang nagdatingan ang mga kaibigan nila. Nang gabing iyon at salusalo silang naghapunan sa sinet up nilang boodle fight at bonfire.

"You know what, love. Eto sana yung gagawin natin sa last night na stay natin dito five years ago. Kaso nung second night nangyari naman yung accident, I'm glad natuloy na rin sa wakas." Kwento sa kanya ni Pierre habang nagkakasiyahan naman ang mga kaibigan.

"Really? This is so fun! Talaga bang takot akong madampian ng tubig dagat?"

"Oo. Sabi mo pa nga noon, kahit sa shore ka nalang. Kaya nga hindi ako makapaniwala noon na napunta ka sa bangkang yun eh. Kasi in the first place, ni ayaw mong makarinig ng alon ng dagat. Sumama ka lang sa akin noon kasi love mo ako." Nakangiting kwento ni Pierre sa kanya.

Maya maya ay nagbalikan na sila sa kanikanilang cottages. Hindi alam ni Francine kung gaano na sya katagal na nakatulog pero nagising sya sa ring ng phone nya.

"Hello?"

"Sis! I'm here na!"

Napabangon sya, "Audrey?" Sinilip pa nya ang phone pero unregistered number ang nakita nya pero sigurado naman syang si Audrey iyon.

"Yes, sis. Nasaan ka ba? Pasundo naman ako rito, nandito ako sa malapit sa mga bangka. Please?"

"Ha?" Iginala nya ang mata pero wala si Pierre sa kwarto nila. "Sis, wait lang ha wala kasi rito si Pierre sa kwarto. Sya na lang kaya ang tawagan mo? Baka kasi mapagalitan ako kapag lumabas ako eh."

"Pero sis, afraid kasi ako rito di ko makita yung cottage nyo. Saka nakitawag lang pala ako yung number mo lang ang nakuha ko bago madrain ang phone ko kaya hindi ko natawagan si Pierre."

Kahit takang taka dahil hindi sya sanay na nadedrainan ng phone ang bestfriend ay hinila pa rin nya ang shawl sa gilid ng kama at saka lumabas para hanapin si Audrey.

"Sis!" Sigaw nya nang matanaw si Audrey na nasa gilid ng mga bangka. Pero napatigil sya nang paglapit dito nang lumabas mula sa likod ni Audrey ang isang lalaking akala nya ay natakasan na nya. Nanlaki ang mga mata nya nang makitang may nakatutok na baril sa bestfriend nya.

"Tim?"

~~~~~~~~~~

"Dude, wala naman sa lobby si Audrey. Akala ko nagtext na sayo?" Sabi ni Arman. Naghiwahiwalay sila para hanapin si Audrey dahil nakatanggap sya ng text mula rito na nasa hotel na sya sa resort na iyon at nagpapasundo para makapunta na kay Francine. Pero kahit anong hanap nila ay wala ito sa buong building.

"Actually number lang kasi yung nagtext sa akin. What's happening?" Alalang tanong nya sa sarili.

Maya maya ay nagring ang phone ni Pierre at nagtaka sya kung bakit sya tinatawagan ng private investigator nya.

"Hello?"

"Boss, are you at Zambales with Francine?"

Napatingin sya kay Arman at naglapitan na rin sa kanya ang ibang barkada.

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon