Nagpatuloy si Sasa bilang tutor ni Jean dahil na rin sa pakiusap ng mommy nito. Kinumbinsi nyang ipagpatuloy ang part time job na ito bilang tulong na rin nila sa allowance ni Sasa. Wala naman kasi syang gastos kung hindi ang allowance nya dahil full time ang scholarship nya sa Bonifacio U. May compensation din syang natanggap mula sa university dahil sa pagtop sa dean's list.
"Sayang wala si kuya, kailan na nga ang finals nila ate?" Tanong sa kanya ni Jean habang nagmimiryenda silang dalawa.
Pasok na kasi sa finals ang Spikers at maging si Sasa ay hindi na ulit nakapanood ng mga laban nito dahil natatapat lagi na may klase at exams nila. Pero masaya syang malaman na nakapasok sila sa finals at ang San Antonio Smashers na naman ang makakalaban nila. At ngayon nga ay wala si Pierre sa bahay dahil may practice ito.
"Sa friday, dadayo pa nga kami sa SAU eh."
"Naku try naming sumunod after ng remedial class. Excited na ako, I am sure sasaniban na naman ang kuya ko sa court nyan. At I am sure din magpapakitang gilas na naman yun dahil nandoon ka. Yiieee.."
"Ikaw talaga." Natatawang sagot nya kay Jean.
"Ano ba ang status nyo, ate? I mean, hindi pa rin ba kayo? Nung lagay na yun ha? Grabe si kuya magpakilig sa social media accounts nya, at kahit sa personal."
Napangiti sya rito. Tama si Jean. Ginagawa talaga ni Pierre ang sinabi nitong liligawan sya. Hatid at sundo, minsan nga sa labas pa ng classroom nila sya hinihintay nito kapag nauna itong magout sa class. Hindi rin ito pumapalya ng text at tawag kapag hindi sila magkasama at nagkikita. At paminsan minsan ay nag uupload ito ng pictures nya o nilang dalawa na nilalagyan pa nito ng mga sweet captions.
"Hindi pa nga eh. Alam mo Jean sa totoo lang iniisip ko nga kung kailangan pa ba yun? I mean para na rin nya kasi akong girlfriend kung ituring nya, at naaapreciate ko yun ng sobra."
"Oo naman, ate. Syempre kailangan official pa rin, yung may exact date, para may icecelebrate kayong anniversary nyo."
"Ganon ba yun?"
"Yes, ate. I'm sure kuya would be the happiest kapag nangyari yun, magpapasko pa naman. May reason ba ate para mabasted si kuya?"
"Uhm, sa totoo lang, too good to be true ang kuya mo, Jean. Nakakainsecure sa part ko kasi parang nasa kanya na lahat. Nakakahiya kasi parang feeling ko hindi ako deserving sa pagmamahal nya."
"Ano ka ba ate, don't say that. Mas maswerte si kuya sayo noh. You deserve someone like kuya. Hindi lang dahil kuya ko sya, but I can say that he is really a good person, he is my favorite."
Tiningnan nya si Jean. Walang mali sa sinasabi nito. Napaisip tuloy sya. Bakit nga ba hindi pa nila ginagawang official ang relasyon nila kahit parang nasa ganoong level na sila? Nalaman tuloy nya kay Jean na tila sya yata ang dahilan kung bakit, dahil nga hindi pa nya sinasabi kay Pierre na sinasagot na nya ito. Nahihiya kasi sya, sobra.
December 18 ang final game ng Spikers, one week bago magpasko. Nang linggo ring iyon ay naging abala sa Bonifacio U dahil exam week. Maging si Sasa ay ramdam ang matinding pressure. Wala syang balak sayangin ang pagiging top 1 dean's lister. Pabiro naman syang inaabala ng mga kaibigan para raw hindi sya makapagreview at natatawa na lang sya sa mga ginagawa ng mga ito. Nandoong itago ang notes nya, ang libro nya o kaya ay ingay ng ingay kapag naggroup study sila.
Si Pierre naman ay abala rin dahil pinagsasabay nito ang pagrereview at ang pagpapractice pa para sa volleyball finals. Madalang na nyang makita si Sasa ay miss na miss na nya ito. Alam nyang subsob din ito sa pagrereview kayat hindi na nya ito gaanong inaabala.
Tuwing gabi ay nakavideocall lang sila ni Sasa kahit hindi sila nag uusap at parehong tutok sa pagrereview. Kung si Sasa ay nakakapagfocus pa rin kahit alam na nasa videocall si Pierre, si Pierre naman ay distract na distract at gusto na lang titigan ang mukha ni Sasa sa phone nya. Pinagagalitan naman sya ni Sasa at tinatakot na baka wala syang makuhang score dahil wala naman sa mukha nya ang reviewers. Babanat naman si Pierre na di bale ng mabokya sa exam, huwag lang sa puso nya.
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomanceAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)