25 : Cap and jacket

14 1 0
                                    

"Pack your things, love. We are going to Tagaytay."

"Tagaytay?"

"Yes, Tagaytay. Dun ako magcecelebrate ng birthday ko, syempre kasama kita." Nakangiting sabi ni Pierre kay Sasa habang naglalakad sila sa pathwalk.

"Ikaw lagi mo na lang kong binibigla sa mga plano mo."

"Hahaha! Baka kasi makatanggi ka pa kapag maaga kong sinabi."

"Hahaha! Para namang pwede akong tumanggi sa CEO? Hmm.." natatawang sabi ni Sasa sa nobyo.

March 26 ang birthday ni Pierre at 24th birthday nya ngayong taon. Sa April 2 naman ang graduation nila kayat napagplanuhan nila ang isang quick celebration kasama ang pamilya ni Pierre sa Tagaytay. Nalaman din ni Sasa na may rest house sila doon na sya nilang tutuluyan.

"Ang lamig kahit summer!" Sigaw ni Sasa habang nakatanaw sa Taal Lake.

Naramdaman nya ang pamilyar na yakap ni Pierre sa baywang nya.

"Are you enjoying your stay here, love?"

"Oo naman, love. Happy birthday ulit. I love you."

"Thanks, love. I love you, too."

Hinalikan ni Pierre ang leeg ni Sasa na nagpapitlag sa kanya.

"Pierre!"

"Sorry, love. I just can't help it. I really love your sweet scent." At sininghot pa ito.

"Pierre ano ba!" Sigaw ni Sasa dahil sa kakaibang sensasyong dulot ng mga halik ni Pierre.

"Hahaha! Ang sungit naman ng misis ko." Hinigpitan ni Pierre ang yakap kay Sasa.

"Kinakabahan kasi ako sayo. Saka..baka makita tayo nila tito nakakahiya."

"It's okay, love. Someday naman we are going to live in one house and spend the whole day together. Don't mind them."

Ngumiti sya at pinagmasdan ulit ang Taal Lake.

Inilibot sya ni Pierre sa mga tourist spots sa Tagaytay. Takot na takot pa nung una si Sasa na sumakay ng kabayo sa Picnic Grove pero sinamahan sya ni Pierre at tuluyan ng inenjoy ang view at ang moment na iyon kasama ang nobyo.

"Mahal na mahal kita, Sasa!!! Habang buhay!!!" Sigaw ni Pierre na nakaharap sa malawak na tanawin sa People' Park in the Sky.

Tinampal ni Sasa ang balikat ni Pierre dahil nakita nyang pinagtitinginan sila ng mga turistang nandoon. Pero humarap din sya sa malawak na tanawing iyon at ginaya si Pierre.

"Mahal na mahal kita, Pierre!!! Habang buhay!!!"

Nagtinginan sila at napapikit na lang si Sasa nang halikan ni Pierre sa mga labi.

"I couldn't ask for more, love. Just stay by my side and I would be the happiest man ever."

"Oo naman, love." Si Sasa na ang yumakap kay Pierre at hindi na inintindi ang mga nanonood sa kanila na hindi maitago ang kilig sa eksenang ginawa nilang dalawa.

~~~~~~~~~~

"Congratulations, love!"

Niyakap ni Sasa si Pierre matapos takbuhin sa loob ng gym. Katatapos lang ng graduation ni Pierre at naabutan nya itong masayang nakikipagbatian kay Arman at sa mga batchmates nya.

"Thanks, misis ko."

"O dude, kita kits ha?" Sabi ni Arman at napalingon si Sasa kay Pierre.

"Hmm? Ano yun love?"

"We are going to Zambales, celebration dahil graduate na kami. Sama ka." Masayang kwento ni Pierre.

"Ha? Zambales?" Kinabahan si Sasa.

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon