43 : Blessings

14 1 0
                                    

Isang buwan at kalahati ang inilagi ni Pierre at Sasa sa ibat ibang bansa bilang honeymoon nila. Tinake over muna ulit ng daddy nila ang kompanya habang wala si Pierre. Masayang masaya si Sasa na kapiling ang asawa habang bumubuo ng mga bagong memories bilang pambawi na rin sa limang taon na hindi nila pagsasama.

"Ate!! Kuya!! Pasalubong!" Sigaw ni Jean habang pababa ng hagdan nang marinig na dumating na ang kotseng sumundo sa mag asawa. Niyakap nya ang dalawa at itinuon na ang pansin sa iniabot ni Pierre na ilang paperbags na pasalubong sa kapatid.

"Jean, tulungan mo munang mag akyat ng gamit ang ate mo bago mo buklatin yang mga pasalubong mo." Utos naman ng mommy nila pagkatapos ibeso ang mag asawa.

"Yes, mommy. Ako na dyan, ate." Inagaw pa nito ang hawak na luggage ni Sasa.

"Thank you, Jean."

"How's your vacation mga anak? I saw your photos, ang ganda sa nga pinuntahan nyo ha?" Kausap sa kanila nito matapos silang yayain sa couch at si Ate Mila naman ay dinalhan sila ng miryenda.

"Our vacation is great, mom. Bitin pa nga eh but I have to go back to work na kasi, siguro next year na lang ulit, di ba, love?" Inakbayan pa sya ni Pierre.

"Oo naman, sana po kasama na kayo sa susunod, mommy." Nakangiting sabi ni Sasa.

"Sure! Itapat natin na nandito si dad para kumpleto tayo. At sana naman may karga na kaming apo kapag nangyari yun ha?"

Nanlaki ang mata ni Sasa sa sinabi ng ina. "Po? Ah, haha." Nilingon nya si Pierre dahil hindi nya alam ang isasagot dito.

"Excited naman si mommy." Nakatawang sagot ni Pierre.

"Syempre naman noh, tumatanda na kami ng daddy nyo, saka hindi naman na kayo alagain kaya apo ko na lang ang aalagaan ko. Ako pa mismo ang magshoshopping ng mga gamit ng apo ko." Excited na sabi nito na nagpangiti kay Sasa.

Nagkwentuhan pa sila habang nagmimiryenda bago sila itaboy ng mommy nila sa kwarto para makapagpahinga.

"Hay.." nahiga si Sasa sa kama. Naramdaman nyang hinalikan ni Pierre ang noo nya matapos itong maupo sa gilid ng kama.

"Shower muna tayo, love, bago tayo matulog." Yaya nito.

"Mauna ka na, love. Antok na talaga ako."

"Okay, love. I love you." Sabi nito kahit nakapikit pa rin ang mata nya.

"I love you, love." Sagot nya at hindi na nya namalayang nabihisan sya ni Pierre dahil tulog na tulog sya.

Bumalik na sa trabaho si Pierre nang sumunod na linggo at napag usapan na rin nila ni Sasa na hindi na sya magtutuloy sa apply nya as flight attendant dahil mas gusto ni Pierre na nasa bahay sya kasama ang mommy nila. Kahit ang parents nila ay yun ang gusto kayat pumayag na rin si Sasa at naging abala na lang sa pag aaral ng baking na paboritong gawin ng mommy nila.

Araw araw ay masayang umuuwi si Pierre galing trabaho at araw araw naman ay inaasikaso sya ng asawa. Nagcelebrate sila ng pasko at bagong taon sa California para makasama ang daddy nila at nagstay sila doon hanggang sa magbirthday si Sasa. Dinala naman ni Pierre sa Batanes si Sasa para icelebrate ang Valentines Day. Naenjoy ng husto ni Sasa ang bawat pangyayari sa kanyang buhay na kasama si Pierre. Napakasweet nito at maasikaso sa kanya at ganon din naman sya sa asawa. Nagpapasalamat din sya sa Diyos dahil hindi talaga ito katulad ni Tim at nag iisa lang sya sa buhay nito.

Hanggang sa isang araw, naisipang sumama ni Sasa kay Pierre sa office.

"Are you sure, love?" Tanong ni Pierre habang gumagayak. Nilapitan sya ni Sasa at inayos ang necktie nya.

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon