Gigil na gigil si Francine isang umaga. Hindi na naman kasi umuwi si Tim nang gabing iyon.
"Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo ha? Humanda ka sa akin." Kausap nya sa sarili nang makita ang polo ni Tim sa basket ng marurumi nilang damit na may bakas ng lipstick ng babae.
Alam ni Francine ang ginagawang pangongolekta ng babae ng asawa. Pero hindi nya makuhang komprontahin ito dahil na rin sa malaking utang na loob sa pag aaruga sa kanya nito at pagtyatyaga sa mga kalokohan nya. Pero ang ipinagtataka nya ay hindi nya makapa sa puso ang tunay na pagmamahal para kay Tim. Ang alam lang nya ay asawa nya ito at ramdam naman nyang mahal sya nito, pero sya...hindi nya maitindihan at maisip kung paano nya naging asawa ito kahit halos nasa kanya na ang lahat.
Narinig nyang bumukas ang pinto kayat nagpunta sya para salubungin ito.
"Where have you been dear husband?" Nakataas ang kilay nya at nakangiti na parang ipinahahalata nya sa asawa ang matinding inis.
"I was with Bricks."
"With Bricks or with your girls?"
Nakita nyang nagulat ito sa sinabi nya.
"I'm tired, Francine."
"Tired with what? Sa paggulong sa kama kasama ng mga babae mo? Tim you can't fool me. I know your dirty business!"
Marahas syang nilingon nito. "You asked me kung saan ako nagpunta at nung sinagot ko hindi ka naniwala? Sino sa atin ang may problema, Francine?"
"Stop pointing the blame on me, Tim! Ano ba talaga ang gusto mo? Aalis na lang kaya ako rito para naman masiyahan ka sa mga gusto mong gawin?"
Ibinagsak ni Tim ang hawak na bag.
"Anong aalis, Francine? What are you talking about?"
Naupo si Francine sa kama nilang mag asawa. Nanlalambot na sya dahil sa pagsigaw nya kay Tim. Nararamdaman na rin nya ang pag iinit ng mga mata sa nagbabadyang mga luha.
"Why are you doing this to me, Tim? Is this my payback for all what you had done to me since I lost my memory? Ito ba ang kabayaran non, Tim?" At tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Francine at naramdaman nyang tinabihan sya nito sa kama.
"Francine.."
"I don't know. Matagal ko ng alam ang ginagawa mong yan. I cannot remember if you are already like that before I lost my memory. At hindi ko alam kung paano ko yun nasikmura at nasisikmura! Sorry, Tim. Feeling ko ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan."
"No, babe huwag mong isipin yan. I love you so much, I am so sorry."
Nilingon nya ito at nalaman nyang nakatingin ito sa kanya. "Sorry? So totoo nga?" At nag alis ito ng tingin sa kanya sa tanong nyang iyon kayat lalo syang nag iiyak.
"I will leave." Tumayo sya at bigla ay hinila ni Tim ang kamay nya.
"No, please don't do this babe, don't do this to me. I can't live without you, babe, please?"
"Don't do this to you pero ikaw gagawin mo pa rin ang gusto mo? You are so unfair, Tim!"
"But babe.."
Marahas nyang hinila pabalik ang kamay nya na hawak nito.
"Alam mong hindi ko kayang umalis sa poder mo kaya ginagawa mo ang lahat ng gusto mo kahit alam mong masasaktan ako. Kaya ngayon Tim, since nagkaaminan na tayo, gagawin ko rin ang gusto ko at huwag na huwag mo akong pipigilan kung ayaw mong umalis ako ng tuluyan sa buhay mo."
Nilingon nya ito na nakaupo pa rin sa kama nila habang sya naman ay pinupunasan ang sariling luha.
"You know that I owe a lot from you, Tim. Utang ko sayo ang buhay ko at ipinagpapasalamat ko yun sa Diyos ng paulit ulit. Kung hindi dahil sayo ay wala ako rito ngayon. Sinusubukan kong kapain dito sa puso ko ang pagmamahal para sayo pero ang tanging nakakapa ko lang ay walang hanggang pasasalamat. I don't know why. I don't even get jealous with those girls you are taking out. But I think I know now, because you are like that. I will let you do whatever you want to do and let me do whatever I want to do. You are very kind and sweet, Tim. Hindi ka mahirap mahalin. I hate having amnesia because I can't even remember how I fell in love with you."
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomantizmAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)