11 : Forehead kiss

22 1 0
                                    

Walang nakapilit kay Sasa na bumalik ng kwarto nya sa ospital na iyon. Nakaupo lang ito sa gilid at hinihintay ang mga labi ng papa nya na nasa morge. Doon na rin sya nilagyan ng benda sa kamay ng nurse dahil tulala lang ito.

"Girl.."

Tumingala sya at nakita nya si Karen. Naupo ito sa tabi nya at niyakap sya nito. Umiyak sya ng umiyak habang yakap ng kaibigan at sya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap nito.

"Karen, ang papa ko.."

"Walang may kagustuhan ng nangyari kay Tito Arnel, Sasa. Tatagan mo ang loob mo. Nandito lang kami para sayo."

"Salamat, Karen."

Hanggang sa maiayos ang mga labi nito sa bahay nila ay hindi iniwan ni Sasa ang papa nya. Saglit lang itong pumasok ng sariling kwarto para magpalit ng damit.

"Girl, matulog ka muna. Kami na muna ang bahala rito." Taboy sa kanya ni Elise.

"Ayoko, Elise. Dito lang ako sa tabi ni Papa."

Nagkatinginan ang magkakaibigan at wala silang nagawa kung hindi iwan ito sa tabi ng kabaong ng papa nya. Lumapit sila kay Pierre na ngayon ay bihis na rin.

"Nakausap ko pa si Tito Arnel bago mangyari ang aksidente. Shit bakit ang bilis!?"

Hinawakan ni Karen ang balikat nya. "Maging matatag tayo para kay Sasa. Kailangan nya tayo ngayon, kailangan ka nya."

Nilingon ni Pierre si Karen. "Hindi ko sya pababayaan, Karen, gaya ng ipinangako ko sa papa nya."

"Alam namin yon." Bahagya syang ngumiti kay Pierre.

Sila ang nag asikaso sa mga dumadalaw sa burol ng papa ni Sasa. Habang ito naman ay nakatulala lang sa tabi ng kabaong ng papa nya at paminsan minsan ay nakikita nilang umiiyak.

"Paano ka? Hindi ka pa rin nagpapahinga."

"Okay lang ako, Karen. Sige na, umuwi muna kayo at magpahinga."

"Babalik kami mamaya, iiglip lang kami. Tapos ikaw naman ang magpahinga ha?"

Tumango lang sya sa mga ito at pinagmasdan ang paglabas ng bahay. Nakita nyang nasalubong ng mga kaibigan ni Sasa ang mommy nya at si Jean. Nilingon nya si Sasa at nilapitan.

"Ikaw ba ang nagbayad ng hospital bills namin ni papa?" Walang emosyon ang mukha nito nang tumayo at kausapin sya.

"Oo."

"Hindi mo na sana ginawa. Hindi ko kailangan ang awa nyo ng mga kaibigan mo."

"Sasa naman..hindi ko ginawa yun dahil sa awa." Hinawakan nya ang mga balikat nito nang magsimula ulit itong umiyak.

"Doble dobleng sakit na to, dito o." Sabay turo sa puso nya. "Bakit ako? Bakit sa akin pa nangyari to? Mula nang makilala ko kayo.."

"Sasa, please. Magpahinga ka na, pagod na pagod ka na. Ako na ang bahala rito."

"Bakit, Pierre? Bakit mo ito ginagawa?"

"Sasa, anak."

Sabay silang naglingon at nakita nilang nakalapit na sa kanila ang mommy at kapatid ni Pierre.

"Tita Jelly.."

Niyakap sya nito at lalo na naman syang nag iiyak. Dagdag pa na narinig na naman nya ang salitang anak, para na naman nyang narinig ang papa nya kapag tinatawag sya nito.

"Kaya mo yan, anak. Alam kong matapang ka." Sabi nito na naiiyak din habang hinahagod ang likod ni Sasa. Si Jean naman ay yumakap sa kuya nya habang umiiyak din.

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon