Mabilis na nagdaan ang araw at habang tumatagal ay lumalaking maganda at kamukhang kamukha ni Pierre si Arielle. Matyaga at focus na ginagabayan ni Sasa ang anak. Masaya syang ishare araw araw kay Pierre ang bagong milestone ng anak dahil alam nyang napapawi ang pagod ng asawa dahil kay Arielle.
Anim na buwan na si Arielle at tuwing 26th day ng buwan ay nagpupunta silang mag anak sa studio ni George para magpaphotoshoot. Papagawaan din kasi ni Pierre ng journey book ang anak hanggang sa mag isang taong gulang ito.
Nagising si Sasa dahil naririnig nya ang boses ng anak. Pagdungaw nya rito sa crib ay masayang mukha ng anak ang bumungad sa kanya.
"Ma..maaa.."
"Oh my God!"
Nanlaki ang mata ni Sasa at kaagad ay binuhat ang anak dahil sa sinabi nito.
"What did you say pumpkin?" Kausap nya rito na pilit inaabot ang pisngi nya para kagatin. "Arielle, what did you say?" Ulit nya at tinitigan ang anak at nanlalaki rin ang singkit na mata nito sa kanya.
"Ma..maaa.."
"Mama? Did you say mama? It's mommy. Mo..mmy."
"Ma..maaa.."
"Ang cute!!!" Hinalik halikan nya ang malintog na pisngi ng anak at dinala sa kama. Kumawag naman ito at nagpababa sa kama at nang ibaba ni Sasa ay kaagad naman itong gumapang sa ama na tulog na tulog pa dahil alas singko pa lang ng umaga. Pinagsasampal ni Arielle ang mukha ng ama na nagpagising dito.
"Oh! Good morning my pumpkin. Ang aga mo naman nirewrestling si daddy." Sabi nito na hinahawi ang mahabang buhok nito para mas makita ang anak na naglilikot sa kama.
"Ma..." sabi nito sabay kagat sa balikat ni Pierre. Nalingon sya ng asawa at napabangon. Binuhat nya si Arielle at nagtatalon naman ito sa hita nya.
"Did you hear that, love. Kaya na nya akong tawagin. Nagising ako kasi naririnig ko sya sa crib. Nakakatuwa! Arielle, say mommy." Kausap nya kay Arielle na pilit hinahabhab ang kamay ni Pierre.
"Ma..maa..maaa.."
"Very good!" Napapapalakpak pa si Sasa sa sobrang proud sa anak.
"Very good naman ang pumpkin ko ah, paano naman ang daddy. Say daddy, da...ddy."
"Maa..maaa..."
"Hahaha! Love, hindi pa nya kaya. Yun ang susunod nating ituturo kay baby, don't worry."
"Hey my princess, learn to say daddy ha?"
"Aahh.." sabi nito at may padila dila pa at tawang tawa naman ang mag asawa.
"Love, parang may teeth na si Arielle. Check mo nga." Sabi ni Pierre at sinilip naman ni Sasa ang bibig ni Arielle. Nakita nyang parang maga na nga ang gilagid nito at mapula. May maputi rin sa babang gilagid nito.
"I'm not sure, love pero parang susulpot na nga ang ngipin nya sa baba. Mabuti at hindi nilalagnat. Nababasa ko kasi nagiging malambing ang baby kapag tinutubuan ng ngipin, meron din nag e LBM kasi nga kung ano ano na sinusubo."
"Kaya nga love, masigla pa rin. Tapang talaga ng princess ko."
Ibinaba ni Pierre ang anak sa kama at nagsimula na naman itong maglikot. Masaya lang nilang pinagmasdan ang anak hanggang sa umiyak ito at paglokohan ang isang laruan nito dahil gustong isubo.
"Anak hindi kasya sa bibig mo yan, ikaw talaga. Halika dede na." Binuhat na nya ang anak.
"Mommy, si daddy din dede na."
Hinampas nya ng hotdog pillow si Pierre. "Pinagsasasabi mo Pierre!"
"Hahaha! Kung makakalusot lang naman, love."
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomansAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)